Kidlat Takes the Team Payaman Family to a Fun ‘Spider-Man’ Movie Watch Party

Isang masayang Spider-Man movie watch party ang hatid ni Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat, sa kanyang mga pinsan at pamilya.

Tunghayan ang mga kwelang tagpo sa likod ng naturang watch party ng Team Payaman.

Kidlat’s Watch Party

Kilala si Kidlat sa kanyang hilig sa karakter na si Spider-Man. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa mga laruan, hindi maipagkakaila na ito ang kanyang paboritong superhero.

Kaya naman nang ilabas ang bagong Spider-Man movie na Spider-Man: Brand New Day, nagsagawa ng munting watch party sina Mommy Viy.

Inimbitahan nila ang mga pinsan ni Kidlat kasama ang kani-kanilang mga magulang. Game na game rin silang nakiisa sa kulitan, kwentuhan, at food trip.

“Guys, excited na talaga ako!” bungad ni Kidlat.

Mas naging masaya pa nang mag-bihis Spider-Man din ang kanyang mga pinsan gaya nina Mavi at Viela maging ang kanyang Daddy Cong.

Funny Comments

Samantala, marami ang natuwa nang masaksihan ang masayang Spider-Man watch party ni Kidlat.

Ghingdg: “Knockdown si SpiderCong at SpiderKidlat! Excited pala ah hahaha!”

Rownaa: “ANG CUTEEE NI KIDLAT TSAKA NI VIELAAA”

Shanethings_: “I hope Kidlat and Viela’s closeness will never change as they grow.”

Karding: “Si Kidlat at Viela talaga ang magbestfriend”

Watch the full video below:

Likes:
0 0
Views:
21
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *