Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels at mga anak na sina Kidlat at Tokyo.

Tunghayan ang mga masasaya at nakakaantig na mensaheng hatid nila sa isa’t-isa matapos ang kanilang kwelang food trip.

A Sweet Treat

Naimbitahan ng Texas Roadhouse, isang kilalang kainan, sina Viviys upang subukan ang ilan sa kanilang mga ipinagmamalaking putahe.

Naisipang isama ni Viy ang kanyang mga house angels na sina Ate Mina at Ate Acar na kaagapay nila ni Cong sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.

Upang mas maging masaya ang kanilang food adventure, isinama rin ni Mommy Viy ang kanyang panganay at bunsong anak.

Upang bigyan ng kabuluhan ang kanilang food content, minabuting magtanong ni Viy ng mga personal na katanungan para kina Ate Acar at Ate Mina.

Dito, napagusapan nila ang kanilang mga gawi sa pang araw-araw pagdating sa pag-aalaga kina Tokyo at Kidlat.

Naging emosyonal si Ate Acar nang mapagusapan ang mabuting pagtrato nina Viy at Cong sa kanila.

“Ang pinakanagustuhan ko sa kanila is ‘yung pasensya nila sa mga bata,” ani Viviys.

“Pero sila [Viy at Cong], hindi talaga [masama ang pakikitungo]. Kung ano ‘yung nakikita n’yo, totoo po ‘yun. Walang halong plastik!” kwento ni Ate Acar.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang naantig nang masaksihan ang kakaibang relasyon ni Viviys sa mga tagapag-alaga ng kanyang mga anak.

“Grabe, halatang alagang alaga din mga kasama nila Viy sa bahay. Ang gaganda nila pag lumalabas sila.”

“More content with nanays and Cortez-Velasquez fam!”

“‘Yung nanay ang tawag ng mga anak sa mga yaya aaaa real family with full of love!”

“Kapag ganyang usapan lagi naiiyak agad yang sila nanay Acar at Nanay Mina . Alam mong sobrang thankful talaga nila kay Viy at Cong. Plus pa na malambing mga anak ni Viy at madali pagsabihan kaya di rin sila nahihirapan”

“Swerte nila nanay acar esp. pag may mga out of country lahat sila kasama din pag may gustong bilhin bibilhin din!”

Watch the full video below:

Likes:
0 0
Views:
10
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *