Pat Velasquez-Gaspar Shares Glimpses of Son Ulap’s Intimate Birthday Celebration

Isang pasilip sa nagdaang birthday celebration ng bunso nina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar na si Baby Ulap sa kanilang bagong vlog upload.

Tunghayan ang mga masasayang intimate moments sa first birthday celebration at bonding ng pamilya Velasquez-Gaspar.

Ulap Turns 1

Sa kanyang latest vlog upload, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Pat Velasquez-Gaspar ang mga tagpo sa nagdaang kaarawan ng kanilang bunsong si Ulap.

Para sa 1st birthday celebration ni Ulap, inimbitahan ng pamilya Velasquez-Gaspar ang ilang Team Payaman members sa isang beach getaway upang makisaya sa kanilang munting selebrasyon.

Bukod sa paglangoy, isa rin sa inenjoy ng TP Kids ay ang paglalaro kasama ang kanilang mga pinsan, Tito at Tita, maging ang kanilang mga Lolo at Lola.

Naghanda rin sina Mommy Pat ng ilang mini games at picnic setup na siyang ikinatuwa nina Mavi, Viela, Isla, at Ulap.

Sumubok ding sumakay ng kayak sina Isla at Ulap kasama sina Lolo Val at Daddy Keng at matapos ay sumabak sa isang mini photoshoot kasama sina Tiyang Venice at Tita Vien.

Kinagabihan ay sumunod naman ang pamilya nina Cong TV, Viy Cortez-Velasquez, Kidlat at Tokyo upang makisaya sa selebrasyon ni Ulap.

Sabay-sabay nilang kinantahan si Ulap at nagsalu-salo sa kanilang inihandang hapunan para sa buong pamilya.

Sinulit ng Pamilya Velasquez ang kanilang beach getaway sa pamamagitan ng paglangoy, foodtrip, kwentuhan, at tawanan. 

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang natuwa at nagpahatid ng kanilang pagbati matapos mapanood ang vlog.

@tinekookie4133: “Kulit ni Junnie pinag ttripan si Ulap hahaha tapos nung kumakanta na ng Happy Birthday nanlalaki mata ni Tokyo sakanya eh. Dun talaga sa laging duet si Tyang Venice at Pat ng nursery rhymes tapos kala mo nasa choir hahahaha kumukumpas pa ng stop natatawa ko. Solid talagaaa! More UPLOAD!!! Happy Bday, Ulapinggggg!”

@joycortez7777: “Happy birthday Ulaping!”

@AllyzaMilesAraos: “I REALLY LOVE YOUR VLOGS TALAGA ATE PAT HINDI NAKAKABORED!”

@bretheartgregorio1886: “Happy Birthday Ulap! Power sa inyo Team PatEng!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
29
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *