Cong TV Takes Junnie Boy and Burong On A Fun Food Adventure

Sa pagnanais maging isang global influencer, sinama ni Cong TV ang kapwa Team Payaman members na sina Junnie Boy at Burong sa isang American-cuisine food adventure.

Tunghayan ang mga tagpo sa masarap at kwelang food trip bonding ng ilang TP Wild Dogs. 

Cong Goes To Denny’s

Sa isang recently uploaded video, nagtungo sina Cong, Junnie, at Burong sa Denny’s Uptown Parade branch para sa isang masayang food trip mini vlog.

Sinubukan ng tatlo ang ‘Pork Belly Crunch’ rice meal kung saan maaaring mamili ang mga kakain ng kanilang flavor base sa kanilang personalidad.

Classic, Barbecue Rub, Garlic Parmesan, at Raspeberry Barbecue ang ilan sa mga ipinagmamalaking flavors ng Denny’s.

“This is not just food. This is an experience,” komento ni Cong.

Bukod sa pagkain, napansin nina Cong ang pagiging friendly ng mga staff at ang kalinisan ng branch na kanilang binisita.

Funny Comments

Samantala, marami ang natuwa dahil sa kwelang pamamaraan ng tatlo sa pagpromote ng nasabing restaurant.

Fady Upam: “Watching from Seoul! Seoultankudarat!”

Nhyl Chavez: “The slang is really slangening”

Kenneth Calixtro Batalla: “Pashout out, Cong TV! Watching from Japan! JaPANGASINAN!”

Likes:
0 0
Views:
28
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *