
Masayang sinalubong ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang bagong taon sa kanilang bagong tahanan.
Silipin ang itsura ng bagong bahay ng pamilya Velasquez-Gaspar at kung ano ang reaksyon ng mga manonood dito.
New Year, New Home
Sa kanyang bagong vlog, buong galak na inanunsyo ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang kanilang paglipat sa bagong tahanan matapos manirahan sa Congpound ng ilang taon.
Isang empty house tour ang handog niya sa mga manonood kung saan ipinasilip niya ang bawat sulok ng kanilang bagong bahay.
“Sobrang laki niya [ng bahay]. Naiimagine ko na nag-aaya kami ng bisita,” bungad ni Pat.

Ilan sa kanyang mga ipinasilip ay ang kanilang sala, kusina, at anim na kwarto na mas maluwag kumpara sa kanilang lumang bahay.
Aniya, ang kanilang mga editors at house angels ay may sarili ring kwarto upang makapagpahinga at makapag-trabaho ng mas maayos.
Buong galak ding nabanggit ni Pat na plano nilang bumuo ng ‘podcast’ ng asawang si Boss Keng sa loob ng kanilang munting studio.

Hindi matatawaran ang reaksyon ng kanilang mga anak na sina Isla at Ulap nang makalipat na ang kanilang pamilya sa bagong bahay.
“Are you happy?” tanong ni Pat.
Sagot naman ni Isla, “Happy!”

Congratulatory Messages
Samantala, marami ang natuwa at nagpahatid ng kanilang pagbati sa panibagong milestone para sa mag-asawang Keng at Pat.
@choimototv: “Ito yung reason kung bakit lagi ako nanonood ng vlogs ng Team Payaman, seeing them achieving their goals one at a time makes thrive and reach my goals one at a time too. Salamat Team Payaman and Miss Pat for this new video.”
@SARISARINGCHIKA: “Congrats! Sana kaming lahat din ngayon 2026 claim na natin guys!”
@tildamatilda3381: “New chances, new changes. May God bless you with good health and more blessings this 2026, Pat!”
Watch the full vlog below:




