Alex Gonzaga-Morada Explores Manila’s Newest Food Trip Spot

Isa na namang masayang food trip ang hatid ng vlogger na si Catherine Gonzaga-Morada, a.k.a Alex G, kasama sina Donita Nose, Divine Tetay, at mister n’yang si Mikee Morada.

Silipin ang mga masasarap at pasok sa budget na food recos mula sa pinakabagong food trip spot na matatagpuan lamang sa Sampaloc, Manila.

P. Noval’s Fusion Alley

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Alex Gonzaga-Morada ang pinakabagong pinipilahan hindi lamang ng mga estudyante, pati na rin ng mga mahilig sa food trip.

Bukod kay Alex at sa asawa n’yang si Mikee, kasama rin n’ya ang mga komedyante na sina Donita Nose at Divine Tetay na nagbigay saya sa nasabing food crawl vlog.

Nagtungo sina Alex sa P. Noval St. na matatagpuan sa Sampaloc, Manila, upang personal na matikman ang mga pagkaing handog ng ‘Fusion Alley.’

Ang nasabing night food market ay nakapwesto sa tapat lamang ng University of Santo Tomas at bukas mula alas-kwatro ng hapon hanggang alas-dose ng madaling araw.

Hindi na pinatagal ng grupo nina Alex ang kanilang paghahanap ng makakain. Una na nilang tinikman ang sikat na chicken feet, o mas kilala sa bansag na ‘adidas.’

Ilan rin sa kanilang mga natikman ay samyang omelette, potato fries, sliders, sweet corn, Tiramisu cake, tapang kabayo, tofu squares, at marami pang iba.

Hindi maipagkakaila na bukod sa enjoy ang grupo nina Alex, na-satisfy rin ang kanilang street food cravings.

Upang matulungan ang mga small business owners sa nasabing lugar, nanlibre si Alex ng mga mamimili ng halagang P10,000 sa bawat food stall na kanilang napuntahan.

Labis naman ang tuwa ng mga business owners sa inisyatibong ginawa ni Alex na nakatulong sa kanilang mga negosyo.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang nagutom at natuwa sa kasiyahang hatid nina Alex, Mikee, Donita, at Tetay.

@randomdeserved: “Grabe, one of the best collab ni Alex G. This year, wala silang tapon, havey lahat!”

@WarlordRemorosa: “The best talaga si Alex pag nagfo-foodtrip. Nanlilibre din sa iba. Magandang tularan [ang] nagse-share ng blessings n’ya kaya lalong pinagpapala.”

@misscamay: “The genius of Alex is that she can connect and get along with anyone so quickly, making everyone feel comfortable around her no matter their gender, social status, political beliefs, religion, or even opposing moral standards. She’s not picky; she’ll easily share food, forks, or straws with anyone.”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
31
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *