
Road to a healthier lifestyle ang motto ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez matapos ang kanilang recent bonding.
Samahan ang mag-asawang JunnieVien sa kanilang unang pagsubok ng Pilates!
First Pilates Experience
Sa kanyang bagong TikTok upload, ipinasilip ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang mga tagpo sa kanilang kauna-unahang pilates experience.
Ang pilates ay isang uri ng low-impact exercise na makakatulong sa core strength building, at flexibility.
May dalawang uri ng pilates, ang mat pilates at ang reformer pilates na kung saan gumagamit ito ng reformer equipment para sa mas magandang pilates experience.
Nagtungo sina Junnie at Vien sa Flow Reformer Pilates Studio na matatagpuan lamang sa loob ng kanilang subdivision.
Taas noong tinanggap ni Junnie ang imbitasyon ng asawang si Vien na subukan nila ang pagpi-pilates.
“Pilates date with Boy ‘angat balikat’,” biro ni Mommy Vien sa kanyang post.
Bagamat hirap pa sa pagbabalanse, enjoy naman ang dalawa sa kanilang alone time bonding.
Sa huli, nagpakitang gilas na sina Junnie at Vien, at kanila nang naisagawa ng maayos ang kanilang routine.
Netizens’ Comments
Samantala, marami ang natuwa nang masilip ang mga tagpo sa kauna-unahang pilates experience ng mag-asawa.
Asdfghjkl: “Ang ganda talaga ng bonding nyo mag asawa!”
love scientist: “Ang ganda mo Ms. Vien! Very dalaga ang datingan!”
Mavv: “Ganito dapat ang asawa sasamahan kang mag-exercise para mas humaba at lumakas pa ang buhay nyong dalawa!”
MJ: “Naalala ko yung sinabe ni Vien before na talagang gusto niya quality time with Junnie Boy”
Watch the full video below:
