Viviys’ POV: What Happened in Cong TV and Viy Cortez-Velasquez’s Overnight Taiwan Trip?

Top trending ngayon sa YouTube Philippines ang kakaibang food trip surprise ni Cong TV sa misis nitong si Viy Cortez-Velasquez.

Tunghayan naman ngayon ang nakakatuwang POV ni Viviys, at ilan pa sa mga pagkakataong sinurpresa ito ng asawa ng mga biglaang pag-alis. 

Quick Trip to Taiwan

Sa latest YouTube vlog ng soon-to-be-dad of two na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ipinasilip nito ang kanilang biglaang paglipad sa Taiwan bilang regalo sa asawa.

Ani Cong, nais nitong mapakain ang misis sa isang authentic Japanese Restaurant upang masagot ang cravings ng asawang nagbubuntis.

Dahil una nang naipasilip ni Cong ang kanyang point of view sa nasabing trip, hindi naman nagpahuli si Viy na ibahagi ang kanyang sariling karanasan, na kanyang ibinida sa isang Facebook reel

Laking gulat ni Viy nang mapagtanto na dinala ito ng asawa sa airport. Pangamba nito na wala itong dalang kahit ano, at hindi na rin ito nakapagbihis ng maayos.

“Alam n’yo guys, napapayag ako ni Cong kasi isang araw lang kami [sa Taiwan]. Ayoko ng biglaan talaga kasi syempre ‘yung anak ko,” ani Viviys.

Pagkalapag ng Taiwan, nagpahinga muna ang dalawa at sunod na sinimulan ang kanilang biglaang food trip.

Hindi na napigilan ni Viviys na magalak nang ihain na sa kanya ang kanyang hinahanap-hanap na authentic ramen mula sa Ichiran.

Hindi rin nito pinalampas na mag-uwi ng instant ramen para sa kanilang mga kasamahan sa Congpound.

More Biglaan Moments

Bukod sa kanilang Taiwan trip, noon pa man ay hilig na rin ni Cong na yayain si Viviys sa kanyang mga biglaang pamamasyal at food trip.

Isang beses ay inaya ni Cong ang kanyang asawa na kumain habang nakasuot ito ng magarbong damit at bag.

Laking gulat ni Viy nang dalhin s’ya ni Cong para kumain ng street food dahil buong akala nito’y kakain sila sa restaurant.

Wala naman itong pinagsisihan dahil nabusog ito sa mga nakain nitong siomai at ininom na gulaman.

“Nag-burp pa ako, ang sarap!” 

@viylinemediagroup

Yung pinaghandaan mo ang pagpunta sa mall, pero Cong TV ang partner mo na may handang kakaibang trip para sayo. Laughtrip. 😂 Balikan natin ang makulit na vlog ng “The Greatest Prankter Cong TV! #Throwback #ViyCortez #CongTV #TeamPayaman #ViylineMediaGroup #foryourpage #trending #tiktok #viral

♬ original sound – Viyline Media Group – Viyline Media Group

Isa rin sa hindi malilimutang tagpo ay ang pag-aya ni Cong kay Viviys pagkagising nito na magda-drive thru sa fastfood.

Lingid sa kaalaman ni Viy na sa Shangri-la Mall ang punta nila Cong, dahilan upang magulat at mainis ito.

“Ang usapan kakain lang! Ngayong wala naman ako sa hulog, ngayon ka nag-aya,” saad ni Viviys.

Likes:
0 0
Views:
31
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *