Junnie Boy Coaches Son Mavi for School Sportsfest in Latest Vlog

Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang paghahanda sa nalalapit na Sportsfest ng kanilang paaralan.

Sa latest vlog ng Team Payaman dad na si Junnie Boy, ipinakita ang pagsasanay ng mag-ama kung saan nagsilbing coach si Junnie upang gabayan ang kanyang anak sa pag-aaral ng basketball zigzag cone drill.

SPORTSBEST

Bilang paghahanda sa Sportsfest, binilhan ni Junnie Boy si Mavi ng basketball starter pack bago sila nagsimula ng kanilang training sa bakuran. Kasama ang assistant coach na si Bok, itinuro niya sa anak ang mga pangunahing basketball drills, kabilang ang dribbling, conditioning, at zigzag cone race.

Hindi naging madali ang pagsasanay para kay Mavi, lalo na nang mahirapan siyang kontrolin ang bola at isagawa ang mga drill. Sa isang pagkakataon, naging emosyonal si Mavi, kaya kinausap siya ng kanyang ama at ipinaalala na normal lamang ang mahirapan sa pag-aaral ng bagong bagay.

Sa kabila ng mga pagsubok, nagpatuloy si Mavi sa kanyang pagsasanay. Sa bawat pagtatangka sa zigzag cone drill, napabuti niya ang kanyang oras hanggang sa maitala ang 12 seconds, na naging bago niyang personal record.

Ipinakita rin sa vlog ang mismong Sportsfest ni Mavi sa paaralan. Bagama’t hindi siya ang pinakamagaling sa basketball, ikinatuwa ni Junnie na nagkaroon ng pagkakataon ang kanyang anak na makipaglaro, makipagtulungan, at makisalamuha sa kanyang mga kaibigan.

Sa pagtatapos ng vlog, binigyang-diin ni Junnie ang kahalagahan ng paggabay sa mga anak sa pagtuklas ng kanilang mga interes. Para sa kanya, hindi kailangang pilitin ang mga bata na maging mahusay sa lahat ng bagay. Sa halip, mahalagang mabigyan sila ng pagkakataong sumubok, matuto, at magkaroon ng kumpiyansa sa kanilang sariling kakayahan.

“Bilang magulang, hindi naman natin kailangang pilitin maging magaling ‘yung anak natin sa lahat ng bagay. Minsan, sapat nang ipakilala natin sa kanila ‘yung mga bagay na pwede nilang subukan. Kasi hindi natin alam, baka ‘yung mga bagay na ayaw nilang gawin ngayon, ‘yun pala ‘yung mga bagay na matututo na nilang mahalin balang araw,” ani Junnie.

Netizens’ Comments

Samantala, pinuri rin ng netizens ang pagiging supportive ni Junnie sa kanyang anak at ang paggabay niya kay Mavi sa pagharap sa mga bagong hamon.

@lovelysantos7834: “I know kuya Mavi will like din ang any sports, konting exposure pa, super supportive ba naman ng mga parents and ng people around him for sure he will like it din, plus may Vielaboo pa na parang isang machine of complement.”

@ProjectMikee: “Grabe ‘yung parenting ni Junnie! Ang sarap sa pakiramdam bilang isang anak na may tatay kang lalapitan lalo sa struggles mo na alam mong maiintindihan ka at hinding hindi ka bibitawan. Plus meron ka pang forever cheerer na magfufuel pa lalo sa’yo gawin ‘yung mga bagay na gusto mo ni Vielaboo!”

@KevinHaristle: “The best ka talaga, Daddy Junnie!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

11.11 CRAZE: Get Your Team Payaman Fair Access on TikTok Shop

In less than 50 days, Team Payaman Fair will once again open its doors for…

4 hours ago

A Little Magic, A Lot of Heart: How Purple Hearts by Love Kryzl Brings Its Brand to Life Through Halloween

Halloween is often associated with costumes, colorful decorations, and a little bit of spooky fun.…

5 hours ago

Boss Keng Pranks Team Boss Madam with an iPhone Duo Dummy Phone ft. Mobile Cart PH

Halakhak ang hatid ni Boss Keng nang muli niyang pinrank ang mga kasamahan kasama ang…

1 day ago

Cong TV Seeks Help from Movie Star Malupiton for Geng’s Road to Stardom

Paano nga ba makakapasok si Genggeng sa PBB House?  Alamin sa latest ‘AROAYKO’ vlog ni…

3 days ago

Zeinab Harake-Parks and Ray Parks Proudly Announce Kids’ Official Name Change

Opisyal nang ‘Harake-Parks’ ang apelyidong dala ng magkapatid na Bia at Lucas Harake na siyang…

3 days ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

4 days ago

This website uses cookies.