Opisyal nang ‘Harake-Parks’ ang apelyidong dala ng magkapatid na Bia at Lucas Harake na siyang ipinagpasalamat ng mom vlogger na si Zeinab Harake-Parks.
Tunghayan ang naging proseso sa kanilang legal name change at kung anong mga dagok ang kinaharap nina Mommy Zeinab at Daddy Ray.
Sa kanyang latest vlog, taas noong ibinahagi ng mag-asawang Zeinab Harake-Parks at Ray Parks ang naging proseso sa pagpapalit ng apelyido ng kanilang mga anak na sina Bia at Lucas.
Una na nilang ikwinento ang masalimuot na proseso ng paglalakad ng mga papel ng kanilang mga anak dahil kinakailangan pang lumapit sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan maaprubahan lamang ang kanilang hiling.
Ayon sa kanila, inabot ng limang taon ang proseso kay Lucas sa kadahilanang ‘single’ pa ang marital status ni Zeinab nang simulan niyang asikasuhin ito.
Inabot naman ng isang taon ang pagpapalit ng apelyido ni Bia dahil mas naging madali ang proseso nang ikasal si Zeinab kay Ray noong nakaraang taon.
Nang mapagbigyan na ang hiling ng pamilya Harake-Parks, abot langit naman ang pasasalamat ng mag-asawa sa mga tumulong sa kanilang mapagtagumpayan ang naturang hamon.
Bilang simbolo ng tagumpay, sabay sabay na pinatunog ng kanilang pamilya ang ‘bell of joy,’ na nangangahulugang legal nang ‘Parks’ ang magkapatid na Lucas at Bia.
“Thank you, Lord!” pasasalamat ni Daddy Ray.
“We’re officially Parks!” sigaw naman nina Lucas at Bia.
Matapos maging legal na ‘Parks’ ang magkapatid, agad namang inasikaso ni Mommy Zeinab ang kanilang mga birth certificate. Nang makuha ito, sunod naman silang dumeretso sa Department of Foreign Affairs para sa kanilang passport application at sunod na nag-apply ng Japan visa.
Nang makuha ang kani-kanilang mga passport, agad na lumipad pa-Japan ang kanilang mag-anak upang bisitahin ang kanilang Daddy Ray.
“Totoo ba ‘to? Truly talaga, blessing ni God ‘to. Never namin inexpect ni Bel na this day would occur soon kasi nag-isip na rin talaga akong mag-retiro honestly kasi ang hirap ngang mapalayo sa mga kids,” kwento ni Daddy Ray.
“I want to see Daddy play basketball tomorrow,” bungad ni Lucas sa ama.
Samantala, marami sa mga manonood ang naantig at hindi naiwasang maging emosyonal para sa Pamilya Harake-Parks.
@IvanaAlawi: “Finally so happy for you Parks family!”
@Yoonese-s5q: “Si Jelai annulled na, yung family nila Zeinab is Parks na, tapos si Donnalyn living her best in peaceful life, hays LORD Thank You! Yung mga babaeng may pinagdadaanan wag tayo susuko! Marami pang bukas ang gigisingin natin para sa panibagong chapter. We love you Mrs. Parks!”
@introvertspeaks: “The fact that Ray was willing to retire to be there during the formative years of the kids, dito mo makikita that he truly loves the kids as his own.”
@marajaydevega7498: “Thank you Ms. Zeinab. I genuinely appreciate people like you who recognize and understand the value of social work and the importance of social workers, especially here in the Philippines where this profession is often overlooked and undervalued. As a future social worker it means a lot to see someone who acknowledges the heart, dedication, and purpose behind this work. Social workers may not always receive the recognition they deserve, but thank you for recognizing a profession that stands for compassion, service, and giving a voice to those who are often unheard.”
@Lynnbchua: “Yung pagyakap ni Ray kay Lucas sabay sabing “love you my son” Oh my god! Yung luha ko with matching uhog!”
@abegailchandriaquilla365: “Finally, social workers are being recognized! Thank you, Zeinab Harake, for appreciating the important role of social workers in helping children find loving families through legal adoption. As a newly licensed social worker, this makes my heart happy. It reminds me why I chose this profession. I believe God uses social workers as instruments of His love, compassion, and kindness. Sometimes, we become part of someone’s answered prayer without even realizing it.”
Watch the full vlog below:
Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…
Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…
Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…
What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…
Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…
Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…
This website uses cookies.