Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating pang araw-araw na paggamit ng kuryente.
Kaugnay nito, ibinahagi ni Burong sa kanyang latest vlog ang ilang paraan upang makapag handa sa mas mainit na panahon at makatipid ng kuryente sa kanilang tahanan.
Sa kanyang vlog, tinalakay ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang mga posibleng epekto ng Super El Niño sa bansa, kabilang na ang matinding init na maaaring umabot sa 45°C hanggang 50°C, water and power stress, at posibleng brownout.
Dahil dito, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagiging handa ng bawat pamilya, lalo na pagdating sa wastong paggamit ng mga resources araw-araw.
Bukod sa pagtalakay sa mga epekto ng El Niño, ipinakita rin ni Burong kung paano nila ginagamit ang kuryente sa kanilang tahanan.
Napansin niya na may mga pagkakataong naiiwang bukas ang mga ilaw, aircon, at iba pang appliances kahit hindi naman ginagamit ang mga ito.
Gayunpaman, hindi rin nakaligtas si Burong sa biruan nang siya naman ang asarin ni Jaime de Guzman, a.k.a. Dudut, dahil sa pag-aaksaya rin ng kuryente.
“Hindi ka nagpapatay ng PC, ikaw yung bukas ng bukas ng ilaw. Mag-isa ka dito, bukas lahat ng ilaw mo” biro ni Dudut kay Burong.
Bilang bahagi ng kanilang paghahanda, nagdeklara si Burong ng mga bagong rules na tinawag nilang “house bill” upang mas maging disiplinado ang lahat sa paggamit ng tubig at kuryente.
Sa unang bill, napag-usapan ang pagtitipid ng tubig. Kung saan isang timba lang ng tubig ang maaring gamitin sa pagligo ng bawat isa.
Electricity consumption naman ang ikalawang bill matapos umabot ng ₱20,000 ang kanilang electricity bill. Dito, sinita pa ni Dudut si Burong tungkol sa nakasanayan nitong pag-iwan na bukas ng PC at mga ilaw na hindi ginagamit.
Napagkasunduan din nilang magkaroon ng Earth Hour sa bahay mula 12nn hanggang 1pm upang mabawasan ang paggamit ng kuryente.
Isa rin sa kanilang paghahanda ang paggamit ng solar panels at EcoFlow bilang back-up power source sa kanilang tahanan.
Samantala, nagbahagi rin ng kani-kanilang tips ang netizens upang makatipid sa kuryente at mabawasan ang kanilang electricity bills.
@Bep1130: “Mag solar light(s) sa garahe, malaking tulong yon to save energy at sa bill na rin syempre.”
@nika77711: “Actually mas tipid ung shower, try nyo itapat sa shower ung tabo antagal nya mapuno tas andami mo na nahugasan nun compared sa tabo isang bagsak ambilis lang ng tubig sa katawan haha”
@JohnLeonardMejia: “Burs, gamitin niyo ng malaking solar panel yung ecoflow pang luto, laba or pc. sayang kasi hahaha”
Watch the full vlog below:
Mukhang oras na para tuparin ni Burong ang matagal na niyang pangakong Bali trip para…
May bagong paraan si Cong TV para mapanatili si Kuya Inday sa bahay, at tila…
Attention, beauty gurus! Your new favorite makeup bestie is coming closer as CIELO makes its…
Isang nakakaantig na social experiment ang isinagawa ng magkakaibigang sina Ivana Alawi, Zeinab Harake-Parks, at…
Sa gitna ng kanyang abalang schedule, hindi nakakalimutan ng Team Payaman vlogger na si Viy…
Puno ng tawanan, kuwentuhan, at simpleng saya ang bagong vlog ni Cong TV na "PAHINGAE"…
This website uses cookies.