Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan ng “DAHIL SA’YO,” isang awiting tungkol sa pagmamahal at positibong pagbabagong dulot ng pagkakaroon ng isang espesyal na tao sa buhay.
Kasunod ng paglalabas ng “WASAK” noong February 2026, nagbalik ang bandang COLN sa pamamagitan ng kanilang bagong single na “DAHIL SAYO,” na isinulat nina Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV at Raven Willan Lark Columna, a.k.a. Awi.
Sa kanilang bagong awitin, inilalarawan ng COLN ang pagbabagong dulot ng isang espesyal na tao sa buhay ng isang indibidwal. Mula sa dating pakiramdam ng pagkaligaw at kawalan ng pang-unawa, unti-unting nagkaroon ng bagong pananaw sa buhay sa tulong ng taong nagsisilbing gabay at nagbibigay ng kapanatagan.
Sa musikal na aspeto, sina Cong at Awi ang nagbigay-buhay sa kanta sa pamamagitan ng kanilang vocals, habang tampok naman sa instrumental arrangement ang gitara nina Cong, Gio Herrera, at Dale Jairus, bass ni Yow Andrada, at drums ni Nins Denso. Si Macoy Manuel naman ang nangasiwa sa mixing at mastering nito.
Mapapakinggan na ang “DAHIL SAYO” sa Spotify at iba pang streaming platforms, kasama ang official lyric video nito sa YouTube channel ng COLN.
Samantala, pinuri naman ng netizens ang COLN sa kanilang bagong awitin, na kinagiliwan dahil sa tunog nito at mensaheng nagbibigay-inspirasyon sa mga tagapakinig.
@liixinnhok: “Lupit! Parang nakikinig lang ako ng Metallica pero Pinoy version.”
@johnlloydjambaro3476: “Sa kantang ‘to, isang paalala na hindi na lang para sa’yo iyong dating pinapangarap mo bagkus sila (pamilya) na ang dahilan kung bakit ka kumakayod. Tiwala lang sa Diyos at maaabot din natin ang ating mga pangarap. Pawer!”
@maddvladd3226: “NAPAKA SOLID TALAGA COLN!”
Listen to the music below:
Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026…
Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…
The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…
Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…
Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…
Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…
This website uses cookies.