Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang maglaro ng Pickleball.
Tunghayan ang mga kwela at hindi malilimutang mga tagpo sa kanilang pagdayo sa Cebu kasama ang Team Playhouse.
Sa kanyang latest vlog, tampok ang mga manlalaro ng pickleball mula sa Team Playhouse na lumipad pa-Cebu upang maglaro ng pickleball.
Bago pa man umalis, personal na dinasalan nina Mommy Vien at Daddy Junnie ang mga anak bilang paghingi ng proteksyon sa mga ito habang sila ay nasa Cebu.
Kinabukasan ng kanilang paglapag sa Cebu ay agad nang sumalang sa paglalaro ng pickleball ang kanilang grupo.
Una silang dumayo sa Minglanilla, Cebu ,kung saan sinuportahan nila ang kapwa TP members na sina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na maglalaro ng pickleball.
Kinabukasan naman ay sunod na naglaro si Junnie Boy. Kinagabihan ay naglaro din sina Vien matapos nilang makiisa sa open play.
Bukod sa paglalaro ng pickleball, hindi rin pinalampas ng kanilang grupo na mag-food trip sa ilang kilalang restaurant sa Cebu.
“Nasa Cebu kami pero imbis na lechon, [nag-Japanese kami],” biro ni Vien.
Namasyal rin ang grupo sa ilang mga tourist spots sa Cebu matapos makiisa sa paglalaro ng pickleball.
“Wow!” reaksyon ng lahat nang makita ng Cebu skyline.
Samantala, marami ang natuwa nang masaksihan ang mga tagpo sa latest Vien Diaries episode ni Vien.
@joannajdc: “0:46 Mavi is so thoughtful and mature!”
@arklinealcontin4691: “Praying for TP Fair na mag go dito sa Cebu!!!!”
@shainaencinares7601: “Awww, you’re a good parent. May God bless your family po!”
@eazyzoey2561: “This is the kind of prayer we need no pattern not religious but very personal prayer have a blessed day!”
@Luigieeeee: “Miss ko na mga mababait na anak nyo ehehe”
@KiecyGelsano: “MOM!!! Kakatapos lang ng work ko, super pagod tapos sabi ko mag check ako kung may upload ka na, tadaaaa! pag open ko meron hahaha. Thank youuu nakakawala ng pagod kapag nanunuod ako sa ‘yo!”
Watch the full vlog below:
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…
Bilang pambawi matapos ang kanilang away mag-asawa, sinurpresa ni Boss Keng ang misis niyang si…
Ang pagbubuntis ay puno ng mga bago at hindi inaasahang karanasan, lalo na kapag nasa…
This website uses cookies.