Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos makasama sa cooking challenge ang asawang si Cong TV at ang Filipino celebrity loveteam na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.
Tunghayan ang pagtatagisan ng dalawang koponan sa kusina, pati ang kwentuhan tungkol sa pag-ibig, trabaho, at muling pagtatambal ng JoshLia.
Sa ikawalong episode ng “Kusina Wars,” nagharap ang mag-asawang Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV, at ang celebrity loveteam na sina Joshua Garcia at Julia Barretto, o mas kilala bilang “JoshLia,” sa isang paligsahan sa pagluluto ng adobong manok at baboy.
Hindi naging pangkaraniwan ang kanilang pagluluto dahil kinailangang pumili ng dalawang lalaki ng mga sangkap, kabilang ang mga hindi karaniwang ginagamit sa adobo. Kabilang sa mga naging kapansin-pansin ang pagkuha ni Cong ng curry powder at ang hindi sinasadyang paglalagay ni Viy ng gata sa kanilang putahe.
Bukod sa cooking challenge, nagkaroon din ng pagkakataon sina Viy at Cong na makipagkwentuhan kina Joshua at Julia tungkol sa kanilang pelikulang “Always Yours, Never Mine” at sa muling pagtatrabaho ng dating magkasintahan.
Ayon kay Joshua, magkaiba ang kwento nina Apollo at Luna sa pelikula at ang naging relasyon nila ni Julia sa totoong buhay. Habang hindi pinili ng kanilang mga karakter ang isa’t isa, pinili naman daw nila ni Julia ang isa’t isa noong sila pa.
Ipinaliwanag din ng aktor na nakatulong ang paglipas ng panahon upang mapag-isipan nila ang kanilang nararamdaman at maging handa sa muling pagsasama sa isang proyekto. Para naman kay Julia, may mga taong dumarating sa buhay upang turuan ang isang tao tungkol sa pag-ibig at tulungan siyang maging mas mabuting bersyon ng sarili.
Sa pagpapatuloy ng kanilang usapan, ikinuwento ni Julia ang pressure na naramdaman niya noong bata pa siya bilang isang Barretto, dahil kailangan niyang patunayan ang sarili at ang kakayahan niya sa mga oportunidad na ibinibigay sa kanya. Kalaunan, natutunan niyang gawing motibasyon ang pressure upang pagbutihin ang kanyang trabaho.
Samantala, binalikan naman ni Cong ang karanasan niya sa pag-arte sa teleseryeng “Super D” noong 2016 at ang paglabas niya sa pelikulang “Quezon.” Biniro rin siya ni Joshua na maaari siyang kunin bilang cameo sa susunod nilang proyekto.
Matapos magluto ang dalawang koponan, dumating ang mga hurado na sina Chino, Yow, Kuya Terio, at Kuya Inday, kasama ang guest judge na si Pinuno, upang tikman at bigyan ng score ang kanilang mga putahe. Nagbigay sila ng mga nakakatawang komento tungkol sa lasa, itsura, at mga sangkap ng adobo.
May ilan sa kanila na pumuna sa timpla ng mga putahe, habang ang iba naman ay nagpahayag ng pagkagusto sa isa sa mga niluto. Lalo pang naging nakakatawa ang pagtikim nang mapagkamalan ng mga hurado kung aling koponan ang naghanda ng bawat adobo.
Sa huli, sina Cong at Viy ang itinanghal na panalo sa kanilang paligsahan sa pagluluto laban sa JoshLia. Nagtapos ang pagtikim sa tawanan matapos malaman ng mga hurado na nagkapalit sila ng pagkakakilala sa mga nagluto ng dalawang putahe.
Umani naman ng positibong reaksyon mula sa mga netizen ang natural at nakakaaliw na samahan nina Viy, Cong, Joshua, at Julia sa kusina.
@pcscarla2: “G na g dito si Cong. Hindi siya nonchalant. Hahahahahahahaha! Nakakaaliw! Gusto ko din ‘yung vibes ng JoshLia.”
@jessicagorgonia1122: “Grabe ang powers talaga ni Viy sa mga collab. Gugulatin ka na lang talaga.”
@jessykaloka_tv3942: “Grabe si Joshua at Julia… sobrang natural nila dito. Hindi ‘yung talagang showbiz interview pero ‘yung ibang side. Kalog, game na game, at masaya. Huuhuhuhu thank you, Viviys!”
Watch the full vlog below:
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…
Bilang pambawi matapos ang kanilang away mag-asawa, sinurpresa ni Boss Keng ang misis niyang si…
This website uses cookies.