Ang bagong vlog ni Junnie Boy hatid ay isang relaxation day kasama ang mga kaibigan at mga anak.
Alamin kung paano niya ginugol ang araw sa pag-aalaga at pagbibigay-pahinga sa sarili sa pamamagitan ng isang self-care day.
Binigyang-diin ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, sa bagong vlog ang kahalagahan ng paglalaan ng oras para sa sarili.
“Matagal na akong naging mabuting ama at mabuting asawa. Ngayon, sarili naman natin ang ating pagbubutihan at aalagaan,” ani Junnie.
Unang bumisita si Junnie sa isang aesthetic clinic kung nasaan din ang kaibigang si Boss Keng para sa kanilang hair care at facial wash session.
Hindi naman napigilan ni Junnie na makatulog nang mahimbing sa kalagitnaan ng kanilang skincare pamper day.
Matapos ang appointment sa clinic ay kakaibang relaxation naman ang gusto niyang maramdaman sa bahay sa pamamagitan ng pag-uutos sa kaniyang mga anak.
“Pakikilusin natin ‘yung mga bata para matuto sila sa buhay,” pahayag ni Junnie.
Unang misyon ni Daddy Junnie para kina Alona Viela at Von Maverick ay magbukas ng aircon at electric fan na agad namang sinunod ng mababait na anak.
Ang sunod naman nilang misyon ay kumuha ng baso ng malamig na tubig para inumin ni daddy at hugasan ang basong ginamit.
Sunod naman nilang ginawa ay ayusan ng komportableng mahihigaan si daddy sa pagkuha ng pinakamalambot na mga unan, kumot, at laruan.
Kasunod na misyon nito ay ang pagpili ng papanoorin ni daddy sa TV, pagkuha ng mga movie snacks, at pagsubo kay daddy.
Minasahe rin ni Viela ang paa ni daddy at ni Mavi naman ang ulo, pati na rin ang paglalakad nila sa likod na kwento niya ay ginawa niya rin dati para kay Lolo Val.
Huling utos ay ang pag-aayos ng kanilang dinner table, plato, placemats, at tubig; pati na rin ang pagdadasal bago magsalo-salo sa pagkain.
“Kapag old na ba si Mommy tsaka si Daddy, aalagaan mo ba kami?” tanong ni Junnie Dad, na agad namang sinagot ni Viela ng “Yeah.”
Agaw-pansin din para sa mga netizens ang pagiging malambing at masunurin ng magkapatid.
“Lowkey flexing na kaya na ng magkapatid ang simpleng household chores kahit na may mga angels sila,” papuring komento ng isang netizen.
Bilang reward sa dalawa, excited namang ibinahagi ni Daddy Junnie ang pagpunta ng kanilang pamilya sa isang ice cream shop kinabukasan.
Watch the full vlog below:
Napuno ng matatamis na tagpo ang quick getaway nina Boss Keng at Mommy Pat sa…
Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…
Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…
Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…
Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…
Samahan si Dudut Lang sa isang chill camping trip kasama sina Kristel, Burong, at Aki.…
This website uses cookies.