Cong TV Shares the Real Essence of ‘Quality Time’ in Recent Japan Trip Vlog Recap

Muling binalikan ng Team Payaman headmaster ang mga tagpo sa kanilang nagdaang Japan trip matapos ipagdiwang ang kaarawan ng panganay nilang si Kidlat.

Ano nga kaya ang aral na hatid ng kanyang ‘QT’ vlog na talagang pumukaw sa damdamin ng mga manonood?

Japan Trip Recap

Sa kanyang recent vlog, ibinahagi ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang mga tagpo sa kanilang latest Japan trip nitong Hulyo.

Lumipad patungong Japan ang pamilya Cortez-Velasquez upang ipagdiwang ang ikaapat na kaarawan ni Kidlat.

Ginamit na rin itong pagkakataon ng TP editor na si Lorenzo Bataclan na makahanap ng bagong relo sa tulong ni Cong TV.

Ilan pa sa mga aktibidad na ginawa ng pamilya Cortez-Velasquez ay pagsama sa kanilang mga anak sa mga indoor at outdoor activities at pamamasyal.

Hindi nila pinalampas ang pagkakataong madala si Tokyo sa kauna-unahang pagkakataon sa Tokyo Disneyland.

Bumisita rin ang kanilang pamilya sa isang indoor at outdoor zoo na talaga namang ikinatuwa nina Kidlat at Tokyo.

Bilang regalo, binilhan din ni Daddy Cong ng matching watch ang anak na si Kidlat na kanya ring ikinagalak.

The Real ‘QT’

Sa gitna ng kanilang pamamasyal sa Fuji Safari Park, isang solid Team Payaman Fan ang nakadaumpalad nina Cong at Viviys.

“Pawer!” emosyonal na bati ni ate Lilia.

Kwento ni Cong, matagal nang gustong makita ni Ate Lilia ang kanilang pamilya dahil noon pa ma’y sumusubaybay na ito sa kanyang vlogs.

Si Ate Lilia ay isang cancer warrior na patuloy pa ring nakikipaglaban sa mga mabibigat na hamon ng buhay sa tulong ng kanyang mapagmahal na pamilya.

Naging emosyonal si Ate Lilia nang mayakap na niya sina Viy at Cong. Matapos ang kanilang naging pag-uusap may naging reyalisasyon si Cong TV.

“After kong makakwentuhan saglit si Ate Lilia, nagkaroon siya ng mas makabuluhang meaning. Sa totoo lang hindi naman natin kontrolado ‘yung oras na mayroon tayo. At narealize ko lang din na minsan sa sobrang busy natin kakaisip kung ano ‘yung susunod na gagawin, nakakalimutan na natin minsan maging present,” ani Cong.

Dagdag pa niya, “Kaya habang mayroon pa siguro [na oras], make it QT—quality time.”

Touching Comments

Samantala, marami ang naantig sa mensaheng nais ipaabot ni Cong TV sa kanyang latest vlog.

@melandrobalberan: “Quiet Time = Prayer for all the sick who continue to fight everyday. May God ease the pain, strengthen their hearts, and grant them healing, hope and courage to keep going.. Patuloy na lumaban, hindi kayo nag-iisa.”

@christinegarcia5599: “The best ka talaga Cong…title pa lang alam mo na may aral ka makukuha sa vlog..im a cancer warrior and QT is very precious to us cancer patients..we only have limited time left..kaya quality time with family are the best things in life..”

@jhomzblente: “Bakit pa ako malulungkot, magbabago ba?? So, magiging masaya nlng ako. May choice nmn ako maging masaya, bakit ko pipiliin malugmok ako.” Mabuhay ka pa ng matagal ate Lilia. Laban lang para sa kaligayan.”

@valeriejoygarcia2960: “The Best talaga yung wisdom ng contents mo about life! I cried, sumakto pa by Oct 4th death anniv ng Mom ko from a stage 4 cancer din.  It is truly that, Quality time is the best ever gift you can give to your loved ones.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

19 hours ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

3 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

3 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

4 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

5 days ago

This website uses cookies.