Team Payaman Helps Kevin and Abigail Hermosada Pick Their Child’s Name

Matapos ang ilang buwang pagi-isip ng pangalan ng kanilang supling, nakapag-desisyon na ang mag-asawang Kevin at Abigail Hermosada.

Alamin kung ano nga kaya ang napiling pangalan ng mag-asawa para sa kanilang baby Hamham.

NGALANMONAK

Sa kanyang bagong vlog, personal na humingi ng tulong si Kevin Hermosada sa kanyang mga kapwa Team Payaman members pagdating sa pag-iisip ng pangalan ng kanyang anak.

Dahil nalalapit na ang panganganak ni Abi, hindi pa rin nakakaisip ang mag-asawa ng kanilang ipapangalan sa kanilang supling.

Una niyang nilapitan ang mga kaibigan na sina Bok, Mentos, at Bods upang humingi ng suhestiyon.

Matapos ang kanilang masayang kwentuhan, sunod na hiningan ng ideya ni Kevin ang mga kaibigan sa Congpound kabilang na sina Dudut, Burong, at Cong TV.

Sa una’y kaliwa’t kanan na mga biro ang natanggap ni Kevin. Kalaunan ay nagbigay rin ng mga seryosyong suhestiyon ang mga kaibigan.

Matapos makalap ang mga ibinigay na ideya ng mga kaibigan, agad na nagdesisyon sina Kevin at Abi ng magiging pangalan ng kanilang anak.

“Tignan mo ‘yung ano ko… Aus…tin… nakangiti kagad ‘di ba? Austin… Kray! Nangiti!” masayang ibinunyag ng mag-asawa.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang naghatid ng kanilang pagbati nang malaman ang napiling pangalan nina Mommy Abi at Daddy Kevin.

@valnerable8: “Ang lauff ko sa strong ang powerful “SON GOKU” HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”

@w0rthIessaj: “Kung si Austin Reaves ay AR15. Si Austin Kray naman AK-47!”

@Jnasty.Gaming: “Apaka galing mo gumawa ng vlog boss Kevs. Simple lang pero value grabe!”

@Kenzononame: “Austin Kray “HamHam” Hermosada bagay!”

@tataygemspub3385: “Kev Ab.. Kebab. Galing ni tiyang Venice!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

12 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

16 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

16 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

16 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

16 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.