ISLA TURNS 3: Mommy Pat Velasquez-Gaspar Fulfills Son’s Ocean Park Birthday Trip Request

Game na tinupad ni Mommy Pat Velasquez-Gaspar at Daddy Keng ang munting hiling ni Isla na makapunta sa Manila Ocean Park para sa kanyang kaarawan.

Tunghayan ang mga tagpo sa simple ngunit puno ng sayang selebrasyon ng ikatlong kaarawan ni Isla.

Ocean Park Trip

Sa kanyang recent vlog, ipinasilip ni Mommy Pat ang ilang mga tagpo nang magpunta ang kanilang pamilya sa Manila Ocean Park upang ipagdiwang ang kaarawan ng panganay nilang si Isla Patriel.

Pagkagising pa lang ay sinalubong na ni Mommy Pat ng pagbati ang panganay at agad din siyang nakipaglaro dito.

Matatandaang noon pa ma’y hiling na ni Isla ang makabalik ng Hong Kong upang muling mamasyal sa Ocean Park. Dahil sa busy schedule ng kanyang mga magulang, dinala muna ni Mommy Pat at Daddy Keng ang mga anak sa Manila Ocean Park.

Kasama ang kapatid nitong si Ulap, nag-book ng overnight stay sina Mommy Pat sa Hotel H20 upang hindi mabitin ang kanilang pamamasyal sa nasabing pook.

Excited na nilibot ng pamilya Gaspar ang Ocean Park kung saan hindi maitago nina Isla at Ulap ang kanilang tuwa.

Ilan sa kanilang mga naranasan ay ang panonood ng Sea Lion Show, paglilibot sa Oceanarium at Biodome.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang naghatid ng kanilang pagbati para kay Isla matapos mapanood ang kanyang birthday vlog.

@shenesmeria: “Happy birthday Isla Boy! Bilis lumaki!”

@mharlenlicayan6053: “Ang bilis lumaki!”

@clarizbanglagan4928: “Happy birthday sayo Isla Boy!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
16
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *