Burong Shares a Glimpse of Recent Camping Experience with Friends

Isang masayang camping trip ang hatid ni Burong kasama ang asawang si Aki at mga kaibigang sina Dudut at Kristel.

Tunghayan ang mga tagpo sa kanilang hindi malilimutang short camping trip.

CAMPING!

Sa kanyang latest vlog, isinama ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang mga manonood sa kanyang recent camping trip kasama ang asawa’t mga kaibigan.

Pagdating sa kanilang camping site ay agad na sinalubong ng magkakaibigan sina Burong at Aki.

Sabay-sabay din silang kumain ng ilang mga putaheng inihanda ni Dudut para sa kanilang grupo.

Tinapos ng grupo ang gabi sa pamamagitan ng muling pagkain, pag-awit at kwentuhan. 

Kinabukasan ay agad na sinimulan nina Burong ang kanilang adventure nang magtampisaw sila sa ilog na sinamahan pa nila ng paglalaro at kwentuhan kasama na rin ang kanilang mga furbabies.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang kinilig nang muling masilayan sina Kristel at Dudut sa vlog ni Burong.

@Musicmocko: “Sobrang ganda na simple lang ni kristel!”

@RedRedDots: “Eto nah! HAHAHAHA dami ng nag aabang! lesgoww!!!!”

@NicVyy001 : “Kristel’s laugh is contagious!”

@lutawbrothers3126: “Another gatasan episode lets go!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
22
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *