
Isang masayang roadtrip vlog ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Burong kasama sina Dudut at Kristel.
Tunghayan ang mga tagpo sa kanilang masayang roadtrip experience.
ROADTRIP
Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang mga manonood sa kanilang roadtrip kamakailan lang.
Kasama ang kanyang asawang si Aki, inaya ni Burong ang mga kaibigang sina Kristel at Dudut sa isang mabilisang roadtrip papuntang Tagaytay.
Pagkadating ng Tagaytay ay agad na nag-foodtrip ang apat sa isang Bulaluhan habang nagku-kwentuhan.

Nagbiruan ang kanilang grupo dahil anila’y gatas na gatas ni Burong sina Dudut at Kristel sa kanilang content.
Nang tanungin ang kanilang talent fee, napahalakhak na lamang sina Burong at Aki.
“Pag ako doy, pag solo, pwede na sa akin P10k. [Pag kasama si Kristel,] 1.5 million,” biro niya.
“Pag sa’yo Kuya Burong, libre lang,” sagot naman ni Kristel.

Matapos kumain ay nagkape naman sina Burong at kanilang itinuloy ang kanilang masayang kwentuhan.
Kilig Much Feels
Matapos masaksihan ang kanilang masayang roadtrip experience, marami ang naghatid ng kanilang komento sa nasabing vlog.
@chalegaspiazuela8053: “Manifesting Bali Indonesia with Dudut and Kristel #krisdu #dutel #dukris”
@271cuteako: “Abangan namin yung sa Bali Indonesia!”
@dorothyraeann5: “Another episode na naman with the Lang Lang HAHAHAHAHAHAHAHA Dudut Lang at Kristel Lang!”
@Lendrinoo: “GATAS NA GATAS NA GATAS NA GATAS HAHAHAHAHAA!”
@LUAP1991: “More more more hehehe!”
@Jaja-my3kv: “Iba ka talaga DUDUT! Daaaamn bruuuhhh smooth na mga banatan!”
Watch the full vlog below:





