
Nakisaya sina Mommy Viy at Daddy Cong sa fun run ni Kuya Kidlat na ginanap sa kanilang eskwelahan.
Tunghayan ang mga tagpo sa likod ng kanilang masayang family fun run experience.
School Fun Run
Sa isang social media post, ipinasilip ni Mommy Viy Cortez-Velasquez ang mga tagpo sa likod ng fun run na isinagawa sa eskwelahan ng panganay niyang si Kidlat.
Kasama rin sa kasiyahan ang kanyang Daddy Cong na game na game na sinimulan ang programa.
“Fun Run school activity today! Good job, Kidlat, for finishing your run like a champ! And syempre, good job din kay Dada… kasi wala na siyang choice nung nilista ko name nya as host,” ani Mommy Viy.

Netizens’ Comments
Samantala, marami ang naaliw nang masaksihan ang masayang mini family day activity nina Mommy Viy, Daddy Cong, at Kidlat.
“Di ko masisisi si kidlat, kahit ako mapapa-“what a life” kung ganito kasaya childhood ko eh. kudos to the parents!!”
“Ilan pandesal kaya after nito? Cuteee Hahahahaha”
“Kahit sobrang busy nyo, kaya nyo pa rin mag-show up for Kidlat, cutieee!”
“Cuteee game na game si Kidlating!”





