
Muling nagbabalik si Viviys sa kanyang old vlogging style kung saan mas personal ang mga tagpo na kanyang ipinapasilip sa kanyang vlog.
Tunghayan ang mga kaganapan sa Episode 1 ng kanyan ‘realiTViy’ vlog serye sa kanyang YouTube channel.
EP 1
Sa kanyang bagong vlog, muling binalikan ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang pamamaraan ng kanyang pagva-vlog mahigit kumulang sampung taon na ang nakalilipas.
Una niyang nilapitan ang asawang si Cong TV na kakwentuhan niya pagdating sa kanyang karera sa pagvavlog.
Kwento ng dalawa, si Cong ang personal na gumawa ng iconic YouTube intro ni Viy. Siya rin ang kauna-unahang editor nito.

“Alam niyo ba sa mga hindi nakakaalam mga Viviys, ang gumawa ng intro ko siya [Cong TV] ‘yun!” kwento niya.
Matapos ang kanilang kwentuhan, excited naman ibinahagi ni Viviys ang mga tagpo aa kanyang buhay bilang isang ina, content creator, at business owner.
Ibinahagi rin niya ang ilang kwelang kaganapan kasama ang mg in-laws na sina Pat Velasquez-Gaspar at Vien Iligan-Velasquez.
“Galing mo sis! Para kang Cong TV 2.0!” biro ni Pat.
Para naman kay Vien, “parang Viy 2020!”

Pakaabangan pa ang iba pang mga tagpo sa next episode ng realiTViy!
Netizens’ Comments
Samantala, marami ang natuwa nang balikan muli ni Viy ang istilo ng kanyang pagvavlog.
@dubu7377: “Miss ko rin yung mga vid inserts like “check na check” “good morning sa inyo” “araw-araw samgyup” etc.”
@crsc_bsc: “Si kuya jonas na lang anak mo hindi sya nagwawatalayk” HAHAHAHAHAHAHA JUSKO KIDLAT!”
@JimuelZionNabiong-k4w: “LITERALLY GOOSEBUMPS SEEING THE INTRO! THANKS PAYAMAN FOR BEING MY SAVIOR DURING PANDEMIC HUHUHU”
@wjsbeom: “Hi this is viy and this is my 647th videoooooooo!”
Watch the full vlog below:




