Dudut Lang Teams Up With Euleen Castro for a Fun ‘Pares’ Cooking Vlog

Isang masaya at kwelang cooking vlog ang hatid ng Team Payaman cook na si Dudut Lang kasama ang social media star na si Euleen ‘Yobab’ Castro.

Tunghayan ang mga kapanapanabik na mga tagpo sa kanilang cooking session.

Dudut x Yobab

Sa kanyang bagong vlog, inimbitahan ng Team Payaman food vlogger na si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, ang kapwa vlogger na si Euleen ‘Yobab’ Castro upang magluto ng pares.

Ang kanilang lulutuing pares ay kanilang iaalok sa mga manlalaro ng The Playhouse Pickle, na siyang negosyo nina Dudut, Junnie Boy, at Boss Keng.

Alas singko imedya ng hapon pa lang ay nagsimula nang magluto si Dudut ng pares. Aniya, nasa bahay pa lang ay inihanda niya na ang mga sangkap na kanyang gagamitin.

Maya-maya pa ay dumating na rin si Yobab upang tulungan siyang magbenta ng inilutong pares.

Napagkasunduan ng dalawa na magbenta ng Pares with Unli Rice at Unli Soup sa mga manlalaro sa halagang Php 50.

Lingid sa kaalaman ni Yobab na biktima na pala siya ng isang mini prank nang kasabwatin ni Dudut ang isa sa kanilang mga customers.

Laking gulat ni Yobab nang mag-amok ang kasabwat ni Dudut dahil hindi agad napagbigyan ang kanyang order. 

“Tapos ngayon, ako yung pinakahuli eh ako ‘yung pinaka-unang umorder!” nakakakilabot na reaksyon ng prankster.

Sa huli, hindi matigil ang halakhakan nang malamang nahulog sa patibong ni Dudut si Yobab.

“Sir kinabahan ako, kung ano kaya kong gawin sa’yo eh!” biro ni Yobab.

Funny Comments

Samantala, marami ang napahalakhak matapos mapanood ang masayang vlog na hatid nina Dudut at Yobab.

@just_januz: “Bigyan na lang kita ng gamot” hype ka Dudut! [laughs]”

@jasperangelo869: “HAHAHAHAHAHAHA PARANG BIB NG BABY YUNG KAY YOBAB! [laughs]”

@jerwinbatac4039: “Kung seryoso yan si chino unang papalag jan HAHAHHAHAA next time itago niyo si chino para convincing HAHAHAHAA!”

@camiellefabreag7299: “Artista kami” HAHAHAH tawang tawa ako kay Dudut!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

3 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

7 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

7 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

7 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

This website uses cookies.