Tampo mode on si Cong TV sa mga kapwa Team Payaman members na sina Junnie Boy at Boss Keng dahil sa hilig nila sa paglalaro ng pickleball.
Tunghayan ang mga tagpo matapos magtamo ng injuries sina Boss Keng at Junnie Boy.
Sa kanyang bagong vlog, muling binalikan ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang mga panahong napilay ang kapatid na si Junnie Boy at bayaw na si Boss Keng.
Biro ni Cong, nagtatampo na siya partikular kay Boss Keng dahil ginugugol niya ang kanyang oras sa paglalaro ng pickleball.
To-the-rescue naman si Cong nang malamang napilay ang binti ni Boss Keng noong Disyembre ng nakaraang taon.
Pabiro niyang niregaluhan ng pamatay ng insekto ang kaibigan bilang pampalubag loob dahil hindi muna ito makakalaro ng pickleball.
“Iyon muna ang praktisin mo. ‘Di ba hindi ka makalakad, nasa garden ka lang? Ubusin mo ‘yung lamok d’yan!” biro ni Cong.
Ilang buwan naman ang makalipas nang si Junnie naman ang nagtamo ng injury sa kanyang kaliwang balikat.
Matatandaang una na itong naaksidente noong nasa Payamansion 2 pa lang sila at kinakailangan na ring sumailalim sa operasyon.
‘Yang dahilan ng ganyan niyo kaka-pickleball n’yo ‘yan! Dalawa kayo ni Boss Keng” biro muli ng kanyang Kuya Cong.
Depensa naman nina Boss Keng, malaki ang natutulong ng paglalaro ng pickleball para sa kanilang kalusugan.
“Ang pickleball kasi number one, cardio. [Number 2], napakadaling laruin niyan [Bossing],” paliwanag ni Boss Keng.
Samantala, marami ang hindi napigilang mapahalakhak nang mapanood ang kwelang asaran ng Team Payaman boys.
@dianarosemsantos.24: “Ayan geng mag news anchor ka muna, pambawi sa tuition na ginastos ni boss cong WHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”
@1127coded: “Mag-bff talaga si junnie at keng kahit sa injury magkaramay eh!”
@trishiagaces4814: “Tawang tawa ako kay Genggeng. Si Dudut ba nagmentor diyan kasi ganiyan magsalita si Dudut, eh, pati expression HAHAHAHAHAHA!”
@laurencedelacruz5277: “HAHAHAHAHAHAHAHAHA ANBILIBABOL PIKELBOL NA ‘YAN BOSSING!”
Watch the full vlog below:
Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…
Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…
Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026…
Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…
The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…
Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…
This website uses cookies.