Kitchen Showdown: Euleen Castro Challenges Viy Cortez-Velasquez to a Fun Cook War

Isang masayang cooking challenge ang hatid ng social media personality na si Euleen Castro kasama ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez.

Cook Wars ft. Viy

Sa latest vlog ni Euleen Castro, a.k.a Yobab, bumida ang kapwa niya vlogger na si Viy Cortez-Velasquez para sa isang friendly cook war challenge.

Layunin ng Cook Wars serye ni Yobab na maipamalas niya at ng kanyang guest ang kanilang galing sa pagluluto.

Laing ang putaheng napagkasunduang lutuin nina Viy at Yobab, na ayon sa kanila ay personal na hiniling ni Viy.

Magkaiba ang atake nina Viy at Yobab sa kani-kanilang mga niluluto upang bigyan ng masarap na karanasan ang kanilang mga hurado.

Matapos ang kanilang pagluluto, agad na hinatulan nina Kha Kha, Chino Liu, Queen Dura, at Brylle ang kanilang mga inihandang pagkain.

Sa huli, nanaig ang Laing na inihanda ni Viviys matapos siyang makakuha ng limang boto mula sa mga nakatikim nito.

Funny Comments

Samantala, marami ang natuwa matapos mapanood ang Cook War collab nina Viy at Euleen.

@nath_so_pretty: “I LOVE VIY TALAGA SUPER KALOG KAHIT KANINO I-COLLAB!”

@BernaHorti: “Salamat sa isang dosenang tawa Yobab! Keep going! let life take its course. mahal ka namin!”

@AyannaMagnaye: “Da best collaboration I swear, na predict kona ‘to last year e HAHAHAHA finally!!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
14
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *