Cong TV Shares Snippets of His Metallica Concert Experience in London in Latest Vlog

Isang pasilip sa dream-come-true moment ni Cong TV ang hatid niya sa kanyang latest vlog.

Tunghayan ang mga tagpo matapos mapanood nang personal nina Cong TV at Viviys ang kanilang iniidolong banda.

METALI

Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang kanyang mga manonood sa kanyang Metallica Concert experience sa London.

Matatandaang sinurpresa siya ng misis niyang si Viy Cortez-Velasquez ng concert ticket ng kanyang iniidolong banda.

Kilala rin si Cong sa kanyang pagiging die hard fan ng bandang Metallica dala ng kanyang pagkahilig sa paggawa ng musika at pagtugtog ng gitara.

Kaya naman matapos ang anim na buwan mula nang surpresahin siya ni Viy, lumipad na pa-London ang mag-asawa.

Game na game na sinahaman ni Cong si Viviys sa kanyang trip gaya ng photoshoot, pag-TikTok, at pamamasyal.

“Importante para sa akin ang kasiyahan niya dito dahil anniversary namin ‘to!” ani Cong. 

Bago pa man magsimula ang concert ay namili muna si Cong ng ilang official merchandise mula sa Metallica.

Labis ang tuwa ni Cong nang makapasok na rin siya sa concert venue ng iniidolong banda.

“Maaaring hindi ako ang number 1 fan ng Metallica, pero ako ang number 1 na gagastos para sa kanila,” hirit ni Cong.

Nakikanta at nakisaya siya sa tugtugin habang kasama si Viy. Nakakuha rin siya ng guitar pick na mula mismo sa ilang miyembro ng Metallica.

“Hindi maniniwala ‘yung batang ako sa nasaksihan niya ngayon na darating ‘yung araw na mapapanood niya ‘yung idol niya sa stage,” reyalisasyon ni Cong.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang naghatid ng kanilang komento matapos mapanood ang inspirational London vlog ni Cong.

@dodonglester: “Kakaiyak! mas lalo tayong na inspired galingan sa buhay eh! salamat  Cong TV!”

@euennebautista: “Kahit ilan tali pa ang pumigil sa pangarap mo, tyaga lang at tiwala sa taas, maaabot mo din lahat ng yan!!”

@Chichu_20: “Nakakaiyak yung dulo. Si Cong ay isa sa patunay na pwedeng mangyari lahat basta maniwala at magpursigi ka!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

10 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

14 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

14 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

14 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.