Junnie Boy Takes On Full-Time Dad Duties During Vien’s Work Trip Abroad

Sa gitna ng work trip ni Mommy Vien Iligan-Velasquez, hands-on daddy naman si Junnie Boy pagdating sa kanilang dalawang anak.

Silipin ang mga nakakatuwang mga tagpo sa isang araw sa buhay ng mag-aamang Mavi, Viela, at Junnie.

ESLIP

Sa kanyang latest vlog, ipinasilip ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, ang mga tagpo sa kanilang tahanan habang nasa ibang bansa ang asawang si Vien.

Matatandaang lumipad pa-Vietnam si Vien, kasama ang ilang TP members upang mamili ng mga panindang damit at sumali sa isang makeup workshop.

“Sa loob ng dalawang araw, ako muna ang bahala sa bahay at sa mga bata habang si Vien ay nasa ibang bansa upang tuparin ang isa sa mga pangarap niya,” kwento ni Junnie.

Hindi rin nagkulang si Junnie sa pagbabalita sa kanyang misis upang masigurong hindi ito magaalala sa kanyang mag-aama. 

Sinimulan ni Junnie ang kanyang pagtupad sa kanyang daddy duties sa pamamagitan ng pagbabawas ng kalat sa kanilang bahay.

Inanyayahan niya sina Viela at Mavi na pilian ang kanilang mga laruan na hindi na nagagamit upang mapakinabangan na ng iba.

Nakiisa rin sina Viela at Mavi sa paglilinis ng kanilang sala upang mas maging maaliwalas ito.

“Thank you, Viela!” pasasalamat ni Junnie sa anak.

Matapos ang kanilang paglilinis ay nagkulitan na ang mag-aama bago tuluyang matulog sa tanghali.

Funny Comments

Samantala, marami ang napahalakhak nang masaksihan ng mga manonood ang kulitan ng mag-aama.

@peachchannel221: “HAHAHAHAHAHAHAHAH aliw talaga ako lagi sa’yo yochog HAHHAAHHAHAHAHA”

@deszrei6282: “Hahaha pang comedy si yochog. Ang bilis mag pickup ng punchline haha!”

@amidalaskywalker3471: “Legend says na hanggang ngayon nginunguya ni viela yung kanin hahahahaha.”

@karlmendez4369: “hahahahhaaha kuhang kuha kakulitan ni Junnie Boyyy”

@bopbop10: “Malapit na maging papa shout out ung mukha ni boss Junnie!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

7 hours ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

14 hours ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

2 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

3 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

3 days ago

This website uses cookies.