Team Payaman’s Dudut Lang Serves Good Food and Great Kwentuhan with Kuya Kim Atienza

Isang masayang kwentuhan at kainan ang hatid ni Dudut Lang nang bumida siya sa ‘Dami Mong Alam, Kuya Kim’ serye ni Kuya Kim Atienza.

Samahan si Dudut sa kanyang TV show guesting at alamin ang komento ng mga manonood ukol dito.

Dudut x Kuya Kim

Bumida sa latest episode ng ‘Dami Mong Alam, Kuya Kim’ ni Kuya Kim Atienza ang Team Payaman cook vlogger na si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang.

Bago magsimula ang kanilang kwentuhan, nagbaon ng pet-friendly food si Dudut na kanyang ibinahagi sa mga alagang aso ni Kuya Kim.

Una nang inalam ni Kuya Kim ang pinagmulan ng pinakamalaking vlogger group sa bansa na Team Payaman.

“Ang Team Payaman is matagal nang magkakaibigan. Magkakasama kami sa isang organization na Youth for Christ. Dahil doon, tuloy tuloy na kaming nagkasama,” kwento ni Dudut.

Nang tanungin naman ang kanyang buhay pag-ibig, agad na sinagot ni Dudut ang kanyang relationship status.

“Wala pa po single po ako,” pabirong sagot ni Dudut.

“Binatang binata po [si Dudut]. Christ-like, nagpapakain ng hayop, good catch ito!” ani Kuya Kim.

Sunod naman sa kanilang ginawa ay ang pagluluto ng kanilang kakainin. Naisipan ni Dudut na maghanda ng Grilled Cheese Sandwich para kay Kuya Kim.

Matapos nito, sunod naman silang kumain at nagkwentuhan kung saan napagusapan nila ang personal na buhay ni Dudut mula sa pagiging mag-aaral hanggang sa maging isang vlogger.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang naghatid ng kanilang mga komento matapos mapanood ang pagbisita ni Dudut sa Casa Atienza.

@NivMil:  “Good catch itong si dudut” Tama ka diyan kuya Kim!”

@markspencer3186: “Sya pala si Dudut ng Team Payaman. For sure sisikat at mas mag bo-boom ka pa Dudut dahil na feature ka ni Kuya Kim at ng GMA 7. Ganun din sa grupo mong Team Payaman. More power sa inyo!”

@kobeeelebroncurry: “WOAAAAH grabe kana boss Dut!!!”

@dianemarizbastona9016: “Since then may star quality talaga itong si Dudut kaya ‘di na ko nabibigla pag nakikita ko sya kasama sa mainstream lalo nung kasama nya rin si Kara David. Ang kulit nila kuya Kim hehe mag ka humor sila!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

10 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

13 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

14 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

14 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.