Kasabay ng naging Foodvencha nina Cong TV, Junnie Boy, at Ninong Ry sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, inilabas din ang tatlong limited edition Foodvencha cans na nagbibigay-pugay sa mga destinasyong kanilang binisita.
Bawat isa ay naglalaman ng mga elementong hango sa mga lokal na pagkain at outdoor adventures na tampok sa kanilang Foodvencha vlogs.
Binubuo ang Foodvencha cans collection ng tatlong magkakaibang disenyo na hango sa Cebu, Pampanga, at Cagayan de Oro, kung saan naganap ang mga adventure nina Cong TV, Junnie Boy, at Ninong Ry sa Mountain Dew x Klook Foodvencha series.
Una sa nasabing collection ang ‘Cebu’ can, na nagpapakita ng mga eksenang may kaugnayan sa kanilang canyoneering adventure sa Badian, Cebu, kabilang ang pagtalon sa tubig ng tatlo at si Ninong Ry na nakalutang sa inflatable tube.
Kasama rin sa disenyo ang illustration ng Cebu Lechon, isa sa mga pinakakilalang pagkain ng lalawigan, na kanilang natikman sa Busdik. Ang elementong ito ay mula sa unang yugto ng kanilang Foodvencha series.
Ang ‘Pampanga’ can naman ay nakatuon sa kanilang off-road adventure sa nasabing lalawigan. Makikita rito ang isang 4×4 vehicle na sinasakyan nina Cong TV at Ninong Ry, si Junnie Boy na nakasuot ng hiking outfit, at ang Sisig, isa sa mga pinakakilalang putaheng Kapampangan.
Panghuli, ang ‘Cagayan de Oro’ can na nakasentro sa whitewater rafting, ang pangunahing adventure sa huling yugto ng kanilang Foodvencha. Makikita sa disenyo ang rafting boat na sinasakyan nina Ninong Ry at Junnie Boy sa rumaragasang ilog, si Cong TV na umiinom ng Mountain Dew mula sa lata, at ang Siniglaw na inihain sa dahon ng saging.
Sa pamamagitan ng tatlong magkakaibang disenyo, naisalamin ang mga karanasang ibinahagi nina Cong TV, Junnie Boy, at Ninong Ry sa kanilang Foodvencha series.
Higit pa sa pagiging collectible packaging, nagsisilbi itong visual na paggunita sa kanilang Mountain Dew x Klook Foodvencha, na pinagsama ang paglalakbay, lokal na pagkain, at iba’t ibang outdoor adventures sa tatlong lalawigan.
Coffee is a non-negotiable staple for every Filipino—not just in the morning, but throughout the…
In today’s fast-paced world, coffee has become the go-to for every Filipino in daily life.…
The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…
Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…
Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…
Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…
This website uses cookies.