
Pinahanga ng Team Payaman girls na sina Vien Iligan-Velasquez at Aki Angulo-Macacua ang kanilang mga tagasubaybay matapos nilang ibida ang kanilang mga natutunang makeup skills.
Tunghayan ang sample makeup look na ginawa nina Aki at Vien at alamin ang reaksyon ng netizens ukol dito.
Makeup Workshop
Sa gitna ng kanilang Vietnam trip, naisipan ni Vien Iligan-Velasquez na sumali sa makeup class kasama ang kaibigang si Aki Angulo-Macacua.
Sa isang Facebook post, ibinida ni Vien ang kanyang naging karanasan matapos sumali sa nasabing aktibidad.
“Matagal ko na talagang pangarap matutunan ang makeup, and I’m so happy I finally made it happen. As someone who loves creating content and all things beauty, sobrang saya ko na na-experience ko ’to,” ani Vien.

Kwento niya pa, natutunan niya na mayroong iba’t-ibang makeup techniques depende sa facial features ng isang tao—bagay na nais niya ring matutunan para sa sarili.
Proud din niyang ibinida ang kanyang makeup look na ayon sa kanya ay siya mismo ang gumawa.
“And yes… the makeup in these photos? Makeup by me. That makes this moment even more special. Today, I finally get to say… I did it,” proud na kwento ni Vien.

Bukod sa kanya, nakiisa rin ang kaibigan niyang si Aki na kanya ring pinuri matapos ang kanilang klase.
“Of course, good job to us, Aki! So happy we finally crossed this off our bucket list together. Thank you for sharing this experience with me. It definitely made the journey even more memorable,” aniya.

Gaya ni Vien, proud din si Aki sa naging kinalabasan ng kanyang mga naging natutunan sa nasabing makeup class.
“Did I really just complete a makeup workshop here in Vietnam?” saad ni Aki.
“‘Di na ako maliligo. Hanggang bukas na ‘tong muk-ap na ‘to!” biro niya pa.

Netizens’ Reactions
Samantala, marami ang humanga sa galing nina Vien at Aki sa pagsubook gawin ng kanilang makeup looks.
Matchies by KDC: “Cant wait for the vlog para sa price idea, bet ko ‘to!”
Joshelle Morales Dio: “Gandaaa!”
Tomotorgo Jennylyn: “Pretty so much!!! Galing!”
Amylda Myrrh Lagutin Aya-ay: “Ang gandaaaaa”
Hannah Alarcio Abo: “Woaaaah ang galingggg!!”
Abangan pa ang ilang mga tagpo sa upcoming Vietnam vlog ni Vien!





