Euleen Castro, a.k.a Yobab, Teams Up with Tita Krissy and Vien for a Hilarious Cook Wars Challenge

Isang masayang collaboration vlog ang masayang pinagsamahan ni Euleen Castro o mas kilala bilang Yobab kasama sina Tita Krissy Achino at Vien Iligan-Velasquez, kung saan sabay-sabay nilang hinarap ang isang masayang cooking challenge.

Sa bagong episode ng kanilang Cook Wars, sinubukan ng tatlo ang paggawa ng Kimchi Sinigang, isang fusion dish na pinaghalo ang paboritong asim ng Pinoy sinigang at ang sikat na Korean kimchi.

A Fun Kitchen Challenge

Sa umpisa pa lamang ay hindi na nawala ang kulitan ng tatlo. Nagbiro pa si Yobab na baka ito na ang unang pagkakataon na matalo siya sa kanilang cooking challenge dahil hindi pa niya kailanman naluto ang nasabing ulam.

Habang abala sa paghihiwa at paghahanda ng mga sangkap, nauwi rin sa kwentuhan ang kanilang pagluluto. Ibinahagi ni Mommy Vien kung paano niya unang nakilala ang Kimchi Sinigang matapos itong makita sa social media at ilang beses na ipa-request na lutuin sa kanilang bahay at iniluto rin ni Dudut ng Team Payaman. 

Bukod sa cooking challenge, naging usapan din ang pagkakaibigan nina Tita Krissy at  Vien. Ayon kay Tita Krissy, isa si Vien sa mga taong pinakamalapit sa kaniya sa Team Payaman, dahilan upang mas maging komportable sila sa isa’t isa sa harap o likod ng camera.

Ibinahagi rin ni Yobab na matagal na siyang tagahanga ng Team Payaman hindi pa man siya nagsisimula sa mundo ng vlogging. Nagkaroon pa sila ng biruan na ang pinaka-gwapo at crush niya sa Team Payaman ay si Bods kaya naman pasimpleng tinawagan ni Tita Krissy Chino upang makausap nito si Yobab.

Pagkatapos ay tuluyan nang natikman at nahusgahan ang kani-kanilang bersyon ng kimchi sinigang. Habang hinihintay ang resulta, nauwi muna sa masayang kwentuhan ang tatlo tungkol sa pagluluto, pagiging ina, at maging ang kani-kanilang pananaw sa pag-ibig at pag-aasawa.

Naging bukas si Mommy Vien sa pagbabahagi kung paano mas lalo niyang minahal ang kaniyang asawa nang makita niya itong maging mabuting ama sa kanilang mga anak. Samantala, inamin naman ni Yobab na bagama’t gusto rin niyang maging isang ina balang araw, mayroon pa rin siyang takot pagdating sa pag-aasawa dahil sa kanyang trust issues.

The Final Taste Test

Sa pinakahihintay na taste test, ang production team ang nagsilbing hurado upang matukoy kung sino ang may pinakamasarap na kimchi sinigang. Matapos ang sunod-sunod na pagtikim at pagbibigay ng komento, nanaig ang bersyon nina Tita Krissy at Vien na pinuri dahil sa balanse ng timpla at lasa ng kanilang putahe.

Taas noo namang tinanggap ni Yobab ang kaniyang pagkatalo at inaming mas nagustuhan rin niya ang bersyon ng dalawa. Nagbahagi pa siya ng ilang tips para sa mga nais subukan ang recipe, kabilang ang paggamit ng de-kalidad na kimchi upang mas lumabas ang tamang lasa ng kimchi sinigang.

Sa pagtatapos ng vlog, nagpasalamat si Yobab kina Tita Krissy at  Vien sa masayang collaboration at hinikayat ang kanyang mga tagasubaybay na mga komento kung sino pa ang gusto nilang maging susunod na makalaban sa Cook Wars.

Watch the full vlog below: 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

FLEX YOUR STYLE: Team PYMN Launches “Drip Check” Giveaway

The official clothing line of Team Payaman's Cong TV, Team PYMN, has officially launched its…

2 days ago

Mommy Vien Iligan-Velasquez Shares Family Moments at Tiny Buds Kids x Kidlat Launch

“Hindi lang pangbaby, pwede rin sa feeling baby”  Ipinasilip ni Mommy Vien sa recent video…

3 days ago

Pinuno Shares His Swimming Lesson Experience in Latest Vlog

Hindi lang tawanan at kulitan ang hatid ng latest vlog ni Pinuno, kundi maging ang…

3 days ago

Ivy Cortez-Ragos Discovers a New Filipino Comfort Food Spot in Calamba, Laguna

Naghahanap ng bagong food spot na pwedeng puntahan kasama ang pamilya o barkada? Sagot na…

4 days ago

Kidlat Takes the Team Payaman Family to a Fun ‘Spider-Man’ Movie Watch Party

Isang masayang Spider-Man movie watch party ang hatid ni Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat, sa…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Gives a Glimpse Into Her Recent Favorites and Everyday Moments

Mula sa family dates hanggang sa maliliit na milestones sa araw-araw, ibinahagi ng Team Payaman…

5 days ago

This website uses cookies.