Viy Cortez-Velasquez and Ivana Alawi Team Up to Prank Their Sisters in a Hilarious Vlog Collaboration

Laughtrip ang hatid ng kapwa vloggers na sina Ivana Alawi at Viy Cortez-Velasquez matapos ang kanilang vlog collaboration.

Tunghayan ang mga makapigil-hiningang mga tagpo sa ‘Sister Swap’-turned-into-prank vlog nina Viviys.

Sister Swap Gone Wrong

Sa kanyang bagong vlog, inimbitahan ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kapwa content creator na si Ivana Alawi. 

Upang maging masaya ang kanilang pagsasama, naisipan ni Viviys na sa halip na isagawa lang ang kanilang ‘sister swap,’ naghanda sila ng prank kung saan magkukunwaring nag-aaway ang dalawa.

Sinimulan ng dalawa ang kanilang palabas habang patuloy sila sa layunin ng Sister Swap challenge na kung saan si Yiv ang nasilbing kapatid ni Ivana habang si Mona naman ang kapatid for a day ni Viviys.

Kaliwa’t kanan na pagsashopping ang ginawa ng kanilang grupo kung saan unti-unti ring sinimulan nina Viy at Ivana ang kanilang kunwariang pag-aaway.

Mas lumalim pa ang tensyon nang magsimula nang kumain sina Viy, Ivana, Yiv, at Mona sa isang restaurant.

Inilabas na nina Viviys at Ivana ang kanilang mga alter ego na kung saan tuluyan na silang nagsagutan.

“Okay lang ba kayo? Kasi makikita din sa video na hindi kayo okay,” pangamba ni Mona.

“Sorry ate, kakausapin ko na lang [si Ate Ivana],” dagdag pa ni Mona.

Sa huli, hindi makapaniwala ang dalawa nang malamang prank lamang ang nasaksihan nila mula kina Viy at Ivana.

“Sasabihin ko sana sayo na hati na lang tayo sa babayaran,” biro ni Yiv kay Mona.

Netizens’ Reactions

Samantala, marami ang napahalakhak sa kwelang content na hatid ni Viviys, Ivana, Mona, at Yiv.

@Calma2288: “Yung sobra hinhin ni Mona pero hindi sya ‘yung tatahimik lang sa isang tabi kung may issue na, nagsasalita din talaga siya.”

@唐以沫: “ang funny sabay uminom ng iced tea si mona tsaka yiv BWHHAHAHAHA”

@ACEMERCADEJAS-z5l: “I love the way how mona speak talaga, super magalang and mabait”

@yrrat7612: “Nagsama yung dalawang baliw. Pano kung pati sa Zeinab kasama pa. Juskoooo. Chaos talaga”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

7 hours ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

1 day ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

This website uses cookies.