Netizens React to Kevin and Abigail Hermosada’s Entertaining ‘Weird Cravings Serye’

Marami ang naaliw nang simulan ng mag-asawang Kevin at Abigail Hermosada ang kanilang ‘weird cravings’ serye.

Tunghayan ang mga tagpo sa paghahanap ni Kevin ng pregnancy cravings ng asawa at kung sinong mga personalidad ang nakatulong sakanya sa paghahanap nito.

Weird Pregnancy Cravings

Matatandaang inanunsyo ng mag-asawang Kevin at Abigail Hermosada ang pagdating ng kanilang inaasahang supling matapos ang ilang taon nilang pagsasama.

Dahil parte na ng pagbubuntis ang pagkakaroon ng iba’t-ibang cravings, naging top trending ang kakaibang paglilihi ni Abi.

Nagsimula ang kanilang serye nang maglihi si Abi sa buko na ayon sa kanya ay dapat ang musikerong si Jireh Lim ang mag-aabot dahil naging hit single niya ang awiting ‘Buko.’

“Guys paano to? Gusto daw ni buntis ng buko pero si Jireh Lim daw mag aabot,” saad ni Kevin sa kanyang post.

Agad naman ito umani ng iba’t-ibang reaksyon dahilan upang makarating ito sa musikerong si Jireh. 

“Boss baka makasama sa baby pag hindi pinagbigyan ang naglilihi. Anong address?” walang pagdadalawang isip na sagot ni Jireh.

“Otw na po,” dagdag niya pa.

Matapos ang buko cravings ni Abi, sunod naman ang salabat sa kanyang pinaglilihian. Aniya, nais niyang gagawin ito ng aktres na si Xyriel Manabat.

“Guys pahirap na to ng pahirap. Gusto daw ng buntis ng salabat pero si Xyriel Manabat daw yung gagawa. Anong gagawin natin!!” ani Kevin.

Agad naman siyang pinagbigyan ni Xyriel na dumayo pa sa kanilang tahanan upang personal na gawin ang salabat.

Funny Comments

Samantala, marami ang natuwa sa kakaibang seryeng hatid nina Kevin at Abigail Hermosada.

Delos Santos Nicole: “HAHAHAH risk it nga sabi kuya kaya panindigan mo sana matupad mo kahilingan BHHAHAAHHA”

Ryan Cortez Nepomuceno: “Ganyan talaga sa Umpisa…sa UMPISA MAHIRAP TAPOS PAHIRAP NA NG PAHIRAP Hahah”

Archie Pascual: “KevinHers baka mag lihi yan ng biko pero si mayor vico mag aabot hahaha”

Jen Ni Fer: “Ang sarap maging buntis pag ganyan! Sobrang lusog ni baby hhahahaha”

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

15 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

15 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

15 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

15 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.