
Dahil back-to-school season na, ibinahagi ni Mommy Viy ang ultimate baon buddy ng panganay niyang si Kidlat.
Alamin ang back-to-school essentials ni Kidlat at kung ano ang baon hack na hatid ni Mommy Viy.
Hero of Every Baon
Bumida ang Team Payaman mom-and-son duo na sina Mommy Viy Cortez-Velasquez at Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat, sa latest advertisement kasama ang CDO.
Sa nasabing advertisement, nagsagawa ng back-to-school checklist ang mag-ina upang matiyak na handa sila sa pagpasok ni Kidlat sa eskwela.

Hindi naitago ang tuwa ni Kidlat nang gawin ni Mommy Viy ang kanyang baon check na naglalaman ng kanyang paboritong ulam.
Maya maya pa ay biniro ni Kidlat ang kanyang Mommy Viy na mayroon siyang super powers na maubos ang kanyang baon.
“Mommy may powers ako, you want to see? Mommy look there! Ubos na!” biro ni Kidlat sa kanyang ina.

Hindi ito naging problema kay Mommy Viy dahil handa siya kung sakaling maubos ni Kidlat ang kanyang paboritong ulam.
“Ako din may powers!” aniya.

Agad niya muling nilutuan si Kidlat ng nasabing ulam na ayon sa kanya ay kaya niyang gawin sa loob lamang ng tatlong minuto.
“Ayan, readyng ready ka na!” buong tuwang saad ni Mommy Viy.

Netizens’ Comments
Samantala, marami ang natuwa nang mapanood sina Mommy Viy at Kuya Kidlat sa kanilang advertisement.
@_kaayaaya: “Yaaay! This bento momma is so happy to see this @viycortez @cdofoodsphere”
@stephhyyyyd: “Galing Kidlattttt!”
@oxyjeeen: “Grabe na si kidlat, endorser na talaga!”
Watch the full video below:





