Viy Cortez-Velasquez Puts Beks Battalion to the Test in Wild Surprise Challenge

Tinanggap ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang hamon na ‘Can’t Say No’ kasama ang grupo ng Beks Battalion. Ano naman kaya ang kapalit nito?

Kayanin kaya ni Viviys at ng Beks Battalion ang mga kwelang hamon at tawanang hatid ng kanilang first-ever vlog collaboration?

‘Can’t Say No’

Sa kanyang bagong vlog, inimbitahan ni Viy Cortez-Velasquez ang grupo ng Beks Battalion na kinabibilangan nina Chad Kinis, Lassy, at MC para sa kanyang Can’t Say No challenge.

Kwento ni Viy, ninais talaga niyang mas makilala pa ang grupo ng Beks Battalion dahil sa tuwing sila ay nagkikita, hindi sapat ang kanilang mga batian.

“Nakikita ko sa mga vlog niyo laging may pinaprank. Ibahin natin, chill lang [tayo ngayon]. ‘Yung makilala ko kayo, ‘yun lang!” ani Viviys.

Una nang niyaya ni Viy sina Chad, Lassy, at MC sa isang restaurant upang kumain. Sunod din niyang dinala ang mga ito sa iba’t-ibang stores upang mamili.

“Huy, ang bibilhan kayo ah, hindi ‘yung mga jowa niyo,” biro muli ni Viy.

Matapos ang kanilang pamamasyal sa mall, niregaluhan pa ni Viy ang grupo ng Beks Battalion ng isang spa experience.

The Plot Twist

Matapos niyang ayain kumain at mamili ang mga kasama, sunod namang isinagawa ni Viviys ang kanyang patibong.

“Kung nag-enjoy kayo dito [sa spa], mas mag-e-enjoy kayo sa susunod,” bungad ni Viy.

Lingid sa kaalaman nina Chad, Lassy, at MC na dadalhin na pala sila ni Viy sa kanyang ultimate challenge—ang pagsali sa isang airsoft game.

Para sa nasabing hamon, kailangang depensahan nina Chad, Lassy, MC, at Viviys ang kanilang mga sarili mula sa kalaban gamit ang airsoft pellets.

Una na nilang sinuot ang kanilang mga gears at agad na sumabak sa pakikipagbarilan gamit ang kanilang pellet guns.

“Ano ka ba Viy, sabi mo relax lang ‘to! Sabi mo relax, best collab,” biro ni Chad.

“Nakakaloka, relax tayo kanina tapos haggard ngayon!” ani Lassy.

Sa huli, katatawanan ang hatid ng bawat isa matapos ang kanilang masayang experience mula sa kanilang collab.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang natuwa sa hindi inaasahang plot twist ng collab nina Viviys at Beks Battalion.

@chrismonoyvlogs: “Beks Battalion never disappoints! Every joke lands perfectly, my stomach hurts from laughing!”

@moonline9: “TAWANG TAWA AKO SA NATAKOT SI CHAD SA HUMAWAK HWHWHWHWHWHSHHWHAHSHDYWHWHDHEYUEYD”

@maybelsanjuan4000: “LEZGOOO, WITH BEKS BATTALION! pero himala  hindi 1st episode HAHAHAHA”

@thisisNesza: “ANG GANDA NG CONTENT! SOBRANG UNEXPECTED LAHAT!”

@lunaa_bebeee: “Kakaaliw talaga tawa mo ate Viy AHAHAHHAH!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

10 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

14 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

14 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

14 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.