COLN Members Share Their Favorite Metal Bands in a Question and Answer Segment

Sa isang question-and-answer segment, ibinahagi ng mga miyembro ng Filipino rap-rock at metal band na COLN ang kanilang mga paboritong metal bands at ilan sa mga kantang malaki ang naging impluwensiya sa kanilang musical preferences.

COLN Q and A

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV, ang Metallica bilang kanyang paboritong metal band at sinabayan ito ng maikling pag-awit ng bahagi ng ‘Master of Puppets,’ isa sa mga pinakakilalang awitin ng grupo.

Kasunod nito, ibinahagi ni Gio Herrera na Iron Maiden ang kanyang paboritong banda at inawit ang bahagi ng ‘Hallowed Be Thy Name.’

Samantala, pinili ni Dale Jairus ang British metalcore band na Architects at inawit ang bahagi ng kanilang kantang ‘Doomsday.’ Sinundan naman ito ni Nins Denso, na ibinahagi ang kanyang paghanga sa Slipknot sa pamamagitan ng pag-awit ng bahagi ng ‘Psychosocial.’

Para naman kay Yow Andrada, nananatiling paborito niya ang American metal band na Mudvayne. Nagbigay siya ng maikling pag-awit ng ‘Dig,’ isa sa mga kilalang awitin ng banda.

Sa kabilang banda, nagbiro si Awi Columna tungkol sa edad ng ilan sa kanyang mga kabanda bago sabihing mas hilig niya ang mga bagong banda. Bilang pagpapakita nito, pinili niya ang Falling in Reverse at inawit ang bahagi ng ‘God Is a Weapon.’

Netizens’ Comments

Umani naman ng positibong reaksyon mula sa mga tagahanga ang naturang Q & A, kung saan marami ang nagpahayag ng pagkatuwa sa mga musical influences ng COLN at sa pagpili nila ng kani-kanilang paboritong metal bands.

Gladwin Balaquidan Arcega: “Simula nung mabuo ang COLN, ito na pinaka favorite kong Metal na banda.”

Weiland Bocalbos: “Favorite all time? Metallica! [I] saw them once and want to see them live again! [My] current favorite gym jam is groove metal such as Lamb of God, Pantera, Sepultura, and the likes!”

Wilmer Rubio: “Been fan of Falling In Reverse noong nandon pa si Jacky Vincent. Para sa’kin [sa] generation ko, siya ‘yung pinaka malupit na gitarista.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

10 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

14 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

14 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

14 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.