Team Payaman Melts Over Pat Velasquez-Gaspar’s Son Ulap’s First Haircut

Hindi matatawarang mga reaksyon mula sa kanyang mga Tito at Tita ang natanggap ni Ulap matapos ang kanyang first haircut.

Samahan si Mommy Pat ipasilip ang mga tagpo sa kauna-unahang haircut ng kanyang bunsong si Ulap.

Ulap’s First Haircut

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Pat Velasquez-Gaspar ang mga tagpo matapos ang first haircut ng kanyang bunsong si Ulap.

Ani Mommy Pat, nagdadalawang isip siya kung pagugupitan niya si Ulap dahil hiyang siya sa haba at kulot ng buhok nito.

Naisipan din niya na maging una sa paggupit ng buhok ng kanyang bunso bago tuluyang gupitan ng resident barber ng Team Payaman na si Jude.

The Reactions

Matapos ang kanyang haircut session, hiningi ni Mommy Pat ang reaksyon ni Daddy Keng at ilang mga Tito at Tita mula sa Team Payaman.

“Wah, naging boy ka na! Big boy ka na talaga!” pagbati ni Boss Keng.

Sunod naman niyang dinala si Ulap sa Iligan-Velasquez residence upang makuha ang reaksyon ng kanyang mga Tito at Tita.

“Ang pogi!” bungad ni Kuya Mavi sa pinsan.

“Ay! Bakit ka nagpagupit? Anak sobrang gwapo mo!” nakakatuwang reaksyon ng kanyang Mama Vien.

“Ang pogi ng love love ko!” reaksyon naman ni Tyang Venice.

Hindi rin pinalampas ni Mommy Pat na makuha ang reaksyon ng kanyang mga magulang, ni Junnie Boy at ng kanyang Kuya Cong.

Hindi maitago ang tuwa ng kanyang Lola Jovel at Lolo Val nang makita ang ang bagong gupit na si Ulap.

“Bagong gupit! So pogi! Bagay sa kanya,” ani Tito Junnie.

Para naman sa kanyang Tito Cong, “Ang gwapo!” 

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
18
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *