Proud na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang pagtatapos ng kanyang kapatid na si Vienna Iligan sa kolehiyo.
Silipin ang mga tagpo sa academic milestone ni Vienna at ang pagbati ng kanilang mga taga-suporta sa kanilang pamilya.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng nakababatang kapatid ni Vien Iligan-Velasquez na si Vienna Iligan ang kanyang pagtatapos sa kolehiyo.
“Blessed beyond measure because this journey wouldn’t have been easy without my family and friends. Thank you to the MLS Department, our Dean, and all the MLS professors. Thank You, Lord. Your plans are greater than my fears,” pasasalamat ni Vienna sa nasabing post.
Sa isang bukod na Facebook post, proud ding ibinida ng kanyang Ate Vien ang litrato ng kanilang pamilya bilang selebrasyon ng pagtatapos ni Vienna.
“5/5 na anak nina Ting at Fe lahat graduate na! Masaya kami kasi nakapagtapos na rin ng college ang bunso namin. At tapos na rin ba si ate sa gastos? Congratulations, bunso!” pagbati ni Vien.
Hindi rin pinalampas ni Vienna ang pagkakataong makapagpasalamat sa kanyang Ate Vien sa tulong at suporta sa kanyang pag-aaral.
“Thank you so much ate!! Sa lahat ng tulong mo makaraos lang ako sa college. I love you so much, wala ka na gagastusin dahil di na ako magmemed!! HAHAHHAHAHAHAHA” aniya.
Samantala, marami ang nagpadala ng kanilang pagbati matapos matunghayan ang isa sa mga hindi malilimutang pangyayari sa buhay ng pamilya Iligan.
Tita Krissy Achino: “Yeheeeyyy!!! Congrats, Vienna Iligan!!! Tara isabit na natin Grad Pic natin sa Trece HAHAHAHA”
Abigail Campañano-Hermosada: “Congratulations Vienna and to the whole fam”
Frincess Joennamay Casipe: “Congratulations Vienna Iligan!!”
Krishian Lyn Lusanta: “Congratulations best feeling ever para sa mga parents!”
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…
This website uses cookies.