Viy Cortez and Cong TV Mark Baby Tokyo’s First Birthday With a Heartwarming Celebration

Ibinahagi ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang bagong vlog  ang mga tagpo sa nagdaang first birthday ng kanilang bunso na si Tokyo Athena.

Behind-The-Scenes

Sa nasabing vlog, emosyonal ding nagbahagi si Viy ng kanyang naging karanasan isang taon na ang nakalipas nang siya ay nasa ospital pa lamang bago manganak. 

Ayon sa kanya, hindi niya namalayang mabilis lumipas ang panahon at ngayon ay isang taong gulang na ang bunsong si Tokyo. 

Dagdag pa nila, kahit hindi pa ito maalala ng kanilang anak paglaki, nais nilang magkaroon ito ng videos na magpapaalala kung gaano siya kamahal at kung paano nila pinaghirapan ang bawat detalye ng selebrasyon.

Makikita ang iba’t ibang behind-the-scenes moments habang masayang ipinagdiriwang ng pamilya ang espesyal na araw ni Tokyo kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. 

Mula sa simpleng salubong at birthday surprise hanggang sa engrandeng venue setup sa J Castle, sa Tanuan, Batangas, kitang-kita ang effort at pagmamahal ng mag-asawa para maging memorable ang unang kaarawan ng kanilang bunso.

Ikinuwento rin nina Viy at Cong na talagang pinag-ipunan at pinaghandaan nila ang birthday celebration ni Tokyo. 

Ayon sa kanila, maraming sakripisyo at pagod ang kanilang pinagdaanan para lamang maibigay ang masayang experience para sa kanilang anak at buong pamilya. 

Sa kabila ng nakakapagod na paghahanda, sinabi nilang sulit ang lahat kapag nakikita nilang masaya si Tokyo at ang kanilang mga bisita.

Bukod sa birthday party, nagkaroon din sila ng swimming, picnic, at iba’t ibang bonding activities na lalong nagpuno ng saya sa kanilang family getaway. 

Netizens’ Comments

Marami rin sa kanilang viewers ang naantig sa taos-pusong mensahe ng mag-asawa para kay Tokyo, lalo na ang kanilang hiling na lumaki itong malusog, masaya, at puno ng pagmamahal mula sa pamilya at mga taong nakapaligid sa kanya. 

@jannamaesvlog911: “Ahh, this is the kind of family I want to have in the future. That’s why I keep striving hard in life.Happy Birthday, Baby Tokyo!”

@pearlaassss: “Ganda-ganda. May birthday ka na, Tokyo.” Sobrang sweet naman ni Kuya Kidlat”

@delacruzaira18: “Baby Tokyo, you’re so blessed to have parents like Ate Viy and Kuya Cong.” 

@girlako7161: “Kakatapos ko lang kay Kuya Cocon at ito naman agad ang sunod. From day 1 hanggang ngayon, napapahanga pa rin ako sa pagmamahalan n’yo at sa pagpupursige sa buhay. Talagang kumakayod kayo nang sobra-sobra para sa buong family n’yo at sa mga kaibigan n’yong pamilya na rin ang turing. Sobrang solid talaga.” 

@berlsgatuski: “Nakakatuwa kayong mag-asawa, lalo na sa twist sa dulo. We love your family so much. Lumaki nawa sina Kidlat at Tokyo na may takot sa Diyos, malusog, masipag, masunurin, disiplinado, may respeto, tapat, at mapagmahal sa mga magulang, kapatid, at mahal nila sa buhay. God bless you, Mommy Viy, Ser Cong, and your family.” 

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

16 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.