Netizens Applaud Cong TV for Instilling Lifelong Values in Son Kidlat

Muling pinahanga ng Team Payaman headmaster na si Cong TV ang mga manonood sa kanyang relatable latest vlog upload.

Alamin ang lifelong values na kanyang itinuro para sa kanyang mga anak, partikular na sa panganay niyang si Kidlat.

TURO

Sa bagong vlog ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, isang kapanapanabik na mga tagpo ang kanyang hatid matapos niyang isama ang panganay na si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat upang mamili ng mga laruan.

Sabay na nagbihis at nag-ayos ang mag-ama bago pa man sila magtungo sa mall upang mamasyal.

Walang pag aalinlangang binilhan ni Daddy Cong ang anak ng mga laruan na kanyang napili. Lingid sa kaalaman ni Kidlat na may kaakibat palang hamon bago niya tuluyang magamit ang mga napiling laruan.

“Ops! Bawal buksan because this is for sale,” bungad ni Daddy Cong sa anak.

Upang maturuan ang anak ng importansya ng pagsusumikap, nilagyan ni Daddy Cong ng presyo ang mga laruan na makukuha lamang ni Kidlat gamit ang ‘Papa Cocon Money.’

Ang Papa Cocon Money ay kanya lang makukuha sa tuwing siya ay may gagawing mabuti o hindi naman kaya’y tutulong siya sa mga gawaing bahay.

“Kapag naglinis ka, bibigyan kita ng Papa Cocon money na siyang magagamit mo pangbili ng toys na nasa itaas!” paanyaya ni Daddy Cong.

Sinimulan ni Kidlat ang pasunod kay Daddy Cong sa pamamagitan ng pagkain at paghugas ng kanyang plato. 

“Kaya niya yan, marunong siya niyan,” pagsuporta ni Mommy Viy sa anak.

Sinubukan din ni Kidlat ang paglilinis ng sahig at pagliligpit sa loob ng kanyang playroom, dahilan upang makaipon siya ng isang libong halaga ng Papa Cocon money at makabili ng laruan.

Sa huli, may ipinahatid na mensahe si Daddy Cong para sa kanyang mga anak na sina Tokyo at Kidlat.

“Maaaring 20 years from now, napapanood niyo ‘to ngayon. Baka ma-encounter niyo lang ulit na mayroon kayong mga bagay na gusto, pero this time, hindi na tungkol sa laruan ‘yan kung hindi sa mas malalaking pangarap niyo sa buhay. Balikan niyo lang ‘tong video na ‘to. Kung paano niyo ginawa dito, ganun lang din. Uulitin niyo lang kasi ako, ganun ko lang din ginawa eh. ‘Yun lang din ‘yung kaya kong ituro sa inyo,” ani Daddy Cong.

Touching Comments

Matapos mapanood ang vlog, marami sa mga manonood ang naantig sa itinurong asal ni Daddy Cong sa mga anak.

@aki0089: “I love how they raised Kidlat as a very vocal child. Cute kid, smart pa!”

@RimilalimeBaldado: “[This is] me realizing na Cong is teaching Kidlat na not to take things for granted at dapat paghirapan ang lahat ng bagay.”

@zyairee12: “Based on this video, Cong TV was a disciplinarian and dapat e apply din ng ibang parents sa mga younger kids. Kudos to Cong!”

@meggyslittlenook75: “I like Cong’s simple way of parenting. Ang galing! To make Kidlat realize na hindi pinupulot ang pera kung saan lang and when you do things/chores you’ll get rewarded.”

@kisryl: “Motivation, Reward system galing mossing! Kailangan paghirapan bago makuha ang gusto. PAWER!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

16 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.