Vien Iligan-Velasquez Shares Team Payaman Kids’ Easter Egg Hunt Experience in Latest Vlog

Isang cute farm adventure ang ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez sa kanyang bagong vlog, tampok ang bonding ng Team Payaman Kids kasama ang buong Velasquez family sa kanilang farmhouse sa Silang, Cavite.

Sa naturang vlog, makikita ang paghahanda at aktwal na pagsasagawa ng Easter egg hunt na masayang nilahukan ng mga bata kasama ang kanilang mga magulang.

Easter Egg Hunt with TP Kids

Bago pa man ang mismong Easter egg hunt, ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez ang kanilang paghahanda para sa overnight stay sa farmhouse ng pamilyang Velasquez, kabilang ang pagse-set up ng tent sa tulong ng ilan sa kanilang mga kasama.

Kinabukasan, naging abala si Vien at ang kanyang mga kasama sa pagbalot ng mga premyo at paghahanda ng mga itlog na itatago sa paligid ng farm. Ayon kay Vien, bagama’t may isang espesyal na gantimpala, tiniyak nilang lahat ng batang kalahok ay may matatanggap.

“So ngayon, magbabalot na kami ni Madam [Eve] ng aming mga pa-premyo mamaya. Lahat naman sila makaka-receive, pero mayroon lang isang special prize,” ani Vien.

Pagsapit ng hapon, sinimulan nina Vien at Kuya Terio ang pagtatago ng mga itlog sa iba’t ibang bahagi ng farm. Masusing itinago ang mga ito sa mga puno, damuhan, at maging sa mga lugar na hindi inaasahan, tulad ng kulungan ng manok, upang gawing mas kapanapanabik ang laro.

Nang magsimula na ang Easter egg hunt, aktibong nakilahok sa paghahanap ang TP Kids na sina Kuya Jared, Kuya Mavi, Kuya Kidlat, Viela, Kuya Isla, Ulap, at Baby Tokyo, na sinamahan ng kani-kanilang mga magulang.

Matapos ang aktibidad, isinagawa ang pagbibilang ng mga nakuhang itlog upang matukoy kung sino ang may pinakamarami. Bukod sa mga regular na itlog, nagkaroon din ng espesyal na hamon sa paghahanap ng isang ‘giant egg’ na may nakalaang espesyal na premyo.

Sa huling bahagi ng vlog, nabigyan ng kani-kanilang premyo ang mga bata, kabilang ang gift certificate at consolation gifts. Ipinakita rin ang presensya ng iba’t ibang henerasyon ng pamilya, na nagsilbing kabuuan ng kanilang simple ngunit masaya na pagdiriwang ng Easter Sunday.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming manonood ang nagpahayag ng paghanga sa simpleng pagdiriwang ng Semana Santa ng pamilya at sa kabuuang family experience na ibinahagi sa vlog.

@stephiemm25: “Ahhh made my night! Ang cute ng mga mag pinsan. Bff talaga sila Kidlat at Vielaboo!”

@LianeCarba: “I love how they spend their Holy Week in their province. They really value the true essence of Holy Week. Sobrang simple pero alam mong memorable—not only for the kids but for the whole family.”

@PawPrintPH: “Grabe ‘yung last part! Mapapangiti ka na lang din talaga sa lahat ng napagdaanan nila. Congrats, Velasquez Fam. Ang layo na.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

18 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.