Masayang ipinagdiwang ng pamilya Cortez-Velasquez at ilan sa kanilang mga malalapit na kaibigan at mga kaanak ang unang kaarawan ni Tokyo Athena.
Tunghayan ang ilang mga pasilip sa hindi malilimutang 1st birthday celebration ng unica hija nina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez.
Pagpatak pa lang ng alas dose, agad nang binati ng pamilya Cortez-Velasquez si Tokyo Athena dala ang kanyang cake.
Bukod sa birthday salubong, ipinahatid din nina Mommy Viy Cortez-Velasquez at Daddy Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang kanilang mensahe para sa bunsong anak sa kani-kanilang social media accounts.
“Happy birthday my baby girl,” ani Mommy Viy.
“Happiest 1st Birthday kyokyo, my love with the biggest most beautiful eyes! 😁 One look from you melts my heart. You’ve brought so much joy to me,mama and especially kuya. Naway lumaki kang masaya at malusog! We love you more than words can say!” mensahe naman ni Daddy Cong.
Isang under-the-sea-themed party naman ang handog nina Mommy Viy at Daddy Cong para sa kanilang unica hija na dinaluhan ng malalapit na mga kaanak at kaibigan mula sa Team Payaman.
Ginanap ang nasabing selebrasyon sa J Castles Theme Park sa Tanauan City, Batangas.
Full-force din sina Mommy Viy, Daddy Cong, at Kuya Kidlat sa kanilang nakakatuwang The Little Mermaid-inspired costumes.
Masasarap na pagkain at masasayang activities na hatid ng Viyline Printing Services, TP Kids, at marami pang iba ang sumalubong sa mga bisita na tiyak na naging dahilan ng kanilang hindi malilimutang karanasan sa selebrasyon ng kaarawan ni Tokyo.
Manatiling nakaantabay sa official Facebook page ng Viyline Media Group para sa iba pang mga updates!
Samantala, marami sa mga netizens ang nagpahatid ng kanilang pagbati para sa kaarawan ng bunso nina Cong at Viy.
Kwin Ann: “Happy Happy Birthday Kyo Kyo. Very ganda, very little Viy, very hinhin, very little Cong!”
كاتولاي ايرا: “Grabe, parang kailan lang ‘yung ‘Putok Panubigan Prank’ kay Genggeng, ngayon, 1 year [old] na agad si Tokyo. Happy birthday, Baby Tokyo!”
Ghalo Thavz Echin: “Hala! Sabay tayo baby Tokyo! Happy birthday baby!”
Madz Valles: “Hahaha, ka-cute ng mga bagets! Happy birthsay Tokyo na kamukha ng Mommy!”
Mula sa Viyline Media Group, Happy 1st Birthday Tokyo Athena!
To mark a stronger year ahead, Viyline Group of Companies announces its relocation to provide…
Matapos ang kanilang beach getaway, namasyal naman ang pamilya Velasquez-Gaspar sa Dinosaur Island sa Clark,…
It is truly an exciting year for the entire Cortez-Velasquez family as they continue to…
Sa latest episode ng Friends Without Benefits podcast series nina Jai Asuncion, Albert Nicolas, at…
Isang masayang family adventure ang hatid ni Mommy Vien Iligan-Velasquez matapos ang kanilang Disney Cruise…
Sa pinakabagong episode ng “Behind The Desk,” nagbahagi ang Team Payaman next-gen vlogger na si…
This website uses cookies.
View Comments
Happy birthday Tokyo! Loved how the party looked!