Matapos ang kanilang beach getaway, namasyal naman ang pamilya Velasquez-Gaspar sa Dinosaur Island sa Clark, Pampanga.
Tunghayan ang mga nakakatuwang tagpo sa kakaibang adventure nina Boss Keng, Mommy Pat, Kuya Isla, at Ulap.
Sa kanyang bagong vlog, hatid ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng ang pasilip sa kanilang Dinosaur Island experience.
Hindi pa man nakakarating ay excited na ang panganay nina Boss Keng na si Kuya Isla dahil sa hilig nito sa mga dinosaurs. Nang tanungin kung ano ang nais nitong makita, agad naman siyang sumagot.
“T-Rex! Triceratops! Baby T-Rex, Daddy Boss Keng!” biro ni Isla.
Nang makita na ang mga naglalakihang dinosaurs, hindi maitago ang tuwa ng pamilya Velasquez-Gaspar.
Kaliwa’t kanan na toy dinosaurs ang sumalubong kina Kuya Isla dahilan upang mas maging excited ito.
Naging mas masaya ang kanilang pamamasyal dahil ipinapaliwanag din ng kanilang tourist guide ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa mga dinosaurs.
Nakiisa rin ang kanilang mag-anak sa inaabangang Dinosaur Show kung saan may ilang dinosaur mascots ang sumasayaw.
Samantala, marami ang natuwa sa kakaibang bonding ng pamilya Velasquez-Gaspar na nagpahatid ng kanilang mga komento.
@asherizen9870: “Isla: iyak dito iyak doon; Ulap: bahala ka jan beh chill lang ako dito kay mommy pat HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”
@jinibeee: “Isla’s favorite word: ayaw, hindi [laughs]”
@MonalizaCaparas-y3d: “Nakakatuwa yung reaction ng mga bata! Si Isla takot na takot, si Ulap naman kalmado lang.”
Watch the full vlog below:
Masayang ipinagdiwang ng pamilya Cortez-Velasquez at ilan sa kanilang mga malalapit na kaibigan at mga…
To mark a stronger year ahead, Viyline Group of Companies announces its relocation to provide…
It is truly an exciting year for the entire Cortez-Velasquez family as they continue to…
Sa latest episode ng Friends Without Benefits podcast series nina Jai Asuncion, Albert Nicolas, at…
Isang masayang family adventure ang hatid ni Mommy Vien Iligan-Velasquez matapos ang kanilang Disney Cruise…
Sa pinakabagong episode ng “Behind The Desk,” nagbahagi ang Team Payaman next-gen vlogger na si…
This website uses cookies.