Cong TV Features “Long-Time Basher” Pinuno in COLN’s LASON MV

Sa pinakabagong vlog, isang kakaibang timpla ng pagpapakumbaba ang iginanti ni Cong TV sa kanyang  “long-time basher” na si Pinuno.

Highlight ng vlog ang reunion ng dalawa sa Hong Kong Disneyland. Dito, binigyang-linaw ni Cong ang pinagmulan ng kanilang hidwaan na nagsimula pa noong taong 2020.

LASON

​Ayon kay Cong, siya ang nagsilbing mentor ni Pinuno sa pagba-vlog noong magkaibigan pa sila dahil sa parehong hilig sa gitara. 

Ngunit laking gulat niya nang gamitin umano ni Pinuno ang kanyang mga natutunan at “intel” mula sa loob ng bahay ni Cong upang sirain siya sa social media sa loob ng limang taon.

​“Tinuruan ko pa nga siya mag-vlog eh, na isa siguro sa pinakamalaking pagkakamali ko sa buhay ko. Dahil para na rin pala akong gumagawa ng sarili kong hukay,” pag-amin ni Bossing sa vlog.

​Second Chance

​Sa kabila ng mga banat at tawag sa kanya ni Pinuno na “diablo” noong panahon ng pandemya, pinili ni Cong na magpakumbaba. 

Sa kanilang paglilibot sa Hong Kong, tila naging peace offering pa ang pagbili ni Cong ng bagong gitara para kay Pinuno at ang pagtrato rito bilang bahagi ng grupo.

​

Plot Twist

Ngunit habang tila redemption arc ito para kay Pinuno, may mas malalim na plano pala si Cong sa likod ng camera.

Inalok ni Cong si Pinuno na maging bida sa bagong music video ng kanyang bandang COLN na pinamagatang “LASON.” 

Dito lumabas ang tunay na ganti ni Bossing. Sa loob ng music video, hindi isang tunay na bida ang papel ni Pinuno. Ano kaya ito? 

​Panoorin na ang “LASON” MV ng COLN para makita ang nakakanginig na transpormasyon ni Pinuno!

Watch the full music video below:

Angel Asay

Recent Posts

Boss Keng and Mommy Pat Share Son Isla’s Transition From Homeschooling in New Vlog

‎ Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…

11 hours ago

Boss Keng Challenges Team Payaman Members to Eat Five Hotdogs in One Minute

Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Gives Fans a Peek Into Her Family Life in Recent realiTViy Vlog

Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo…

21 hours ago

Junnie Boy Coaches Son Mavi for School Sportsfest in Latest Vlog

Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang…

2 days ago

11.11 CRAZE: Get Your Team Payaman Fair Access on TikTok Shop

In less than 50 days, Team Payaman Fair will once again open its doors for…

2 days ago

A Little Magic, A Lot of Heart: How Purple Hearts by Love Kryzl Brings Its Brand to Life Through Halloween

Halloween is often associated with costumes, colorful decorations, and a little bit of spooky fun.…

2 days ago

This website uses cookies.