Viy Cortez-Velasquez Spoils A Fan With A Fun ‘FANSERVIYS’ Vlog Content

Isang maswerteng taga-suporta ang nabigyan ng pagkakataong makabonding ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang latest vlog content.

Alamin ang mga tagpo sa masayang ‘FANSERVIYS’ seryeng handog ng naturang Team Payaman vlogger.

Hi, Mga Viviys!

Sa kanyang bagong vlog, isang panibagong serye ang handog ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang mga manonood.

Dahil nais niyang personal na magpasalamat sa mga taong sumusuporta sa kanya, taas noong tinanggap ni Viy ang hamon sa paghahanap ng kanyang ‘OG’ supporter na kanyang bibigyan ng isang ‘ultimate fan service experience.’

Aniya, sinumang unang babati sa kanya ng mga katagang ‘Hi Mga Viviys’ na may kasamang pagwasiwas ng ulo ay ang kanyang hahandugan ng sorpresa.

Walang pagdadalawang isip na sumakay ng tren, naglakad sa kalsada, at namasyal sa isang sikat na mall sa kagustuhang mahanap ang kanyang mga taga-suporta.

Certified Ka-Viviys

Matapos ang patuloy na paghahanap, isang fangirl na nagngangalang ‘Jelai’ ang lumapit kay Viy at binati siya ng ‘Hi Mga Viviys’ na may buong enerhiya. Agad niya itong inaya upang makabonding.

Agad na ikwinento ni Jelai na noon pa man ay pangarap na niyang makita ng personal ang iniidolong Team Payaman vlogger.

“Kasi bumili na ako ng lip tint noon, tapos sabi ko “Kelan ko kaya makikita si Viy?” ani Jelai.

Dahil natuwa si Viy sa pagmamahal na nakuha mula sa kanyang taga-suporta, sunod-sunod na sorpresa ang kanyang ibinigay dito kagaya ng pamimili ng bagong damit, pagkain, pagsakay sa mga rides, at marami pang iba.

Touching Reactions

Samantala, marami sa mga manonood ang nagpahatid ng kanilang pagbati sa kakaibang content na hatid ni Viviys.

@markarthurescoto5165: “It’s funny how you both got the same energy.”

@notmusiczx: “Her boyfriend must be smiling while watching this.”

@mccccccc-h7m: “Sobrang meant to be rin talaga imagine nung hinahunt niya si Viy di niya nakita but then on a random day, nagkita sila unexpectedly! Ang galing tumiming ni Lord.”

@neomicenteno: “Parang yung old Viy tas yung ngayon, ang cute panoorin!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

10 hours ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

13 hours ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

2 days ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

2 days ago

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

2 days ago

COLN Returns With Heartfelt New Single ‘DAHIL SA’YO’

Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…

3 days ago

This website uses cookies.