Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang pinakabagong kanta na pinamagatang ‘Disney,’ kasunod ng music video na tampok ang kanyang asawa na si Abigail Campañano-Hermosada.

‘Disney’

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanyang pinakabagong kanta na ‘Disney’ —isang personal na komposisyon na sumasalamin sa simpleng saya at mga alaala ng kabataan, gamit ang ‘Disney’ bilang simbolo ng mga pangarap at mahahalagang sandali.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Kevin ang kanyang tuwa sa paglabas ng awitin at ang pag-asang masusundan pa ito sa mga darating na buwan.

“Legit ‘yung saya ko na nakapag labas ng kanta ngayong buwan. Sana next month ulit,” ani Kevin sa hiwalay na post.

Ang produksyon ng ‘Disney’ ay pinangunahan nina Angelika Lois, a.k.a. JikaMarie at Keneth Ponce, na tumulong sa pagbuo ng himig at tunog upang mas maiparating ang mensahe at damdamin ng komposisyon.

Matapos ilabas ang nasabing kanta, sinundan ito ng official music video na tampok ang mag-asawang Kevin at Abigail Campañano-Hermosada, na kinunan sa Disneyland Hong Kong. Ang kwento ng music video ay orihinal na isinulat ni Kevin, habang si Agabus Maza naman ang nagdirek nito.

Sa kasalukuyan, ang ‘Disney’ ay mapapakinggan na sa Spotify, habang ang music video ay mapapanood sa opisyal na YouTube channel ni Kevin.

Netizens’ Comments

Samantala, umani ng positibong komento ang inilabas na kantang ‘Disney,’ kung saan marami ang nagpahayag ng paghanga kina Kevin at Abi, pati na rin sa kalidad ng kanta at music video.

@dk_is_yiels: “Galing ni boss Kevs! Sobrang ganda talaga ni ate Abi!”

@bgms2233: “Solid ka talaga!”

@cccandyyy: “Wow! Ang ganda! Congrats, Kevs!”

@vinsancheese9012: “Nakaka-lss, Kevs. Haha! Congrats! More songs this 2026!”

@zelovesguk-ong1715: “Nasa spotify playlist ko na po, kuya Kevs! Solid!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

2 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

2 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

2 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

3 days ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

3 days ago

This website uses cookies.