Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang dating Team Payaman editors.

Sa isang Instagram post, ipinakita ni Carlo Santos kung sino ang makakasama ng kanyang pamilya sa bagong tirahan, na agad nagbigay saya sa kanilang mga tagahanga.

TP Editors’ New Home

Kamakailan lang, ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang kanilang bagong tirahan kasama ang dati na niyang mga katrabaho na sina Cyrill Factor, Ephraim Abarca, Steve Wijayawickrama, at Agabus Maza.

Sa bagong tirahan, ang limang editors ay hindi lamang magkakasama sa isang bahay, kundi nagsisilbing espasyo kung saan maipapakita at patuloy na mapapalago ang kanilang samahan mula sa Team Payaman.

Ang hakbang na ito ay bahagi rin ng personal na desisyon ni Carlo at ng kanyang asawa na si Gab Santos. Ngayong taon lamang, ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang paglipat ng tirahan kasama ang kanilang anak na si Sun Frances Aeri, a.k.a. Sunsun.

Bukod dito, layunin ng kanilang paglipat na masigurong ligtas at komportable ang kapaligiran para sa pamilya, habang pinagsasabay ang trabaho at pang-araw-araw na pamumuhay sa bagong tahanan.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming tagahanga ang nagpakita ng suporta at kasiyahan sa muling pagsasama-sama ng mga Team Payaman editors.

@__aeishaa: “Best editors of Team Payaman!”

@twothree: “Ayan talaga pinaka namiss ko, kuya Locar, I’m so happy to see you guys together.”

@KIRBS: “Mga mamaw na editor, videographer at photographer ng Team Payaman.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

1 hour ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

11 hours ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

13 hours ago

TP Kids Introduces the Philippine Names Book Collection for Young Learners

Team Payaman Kids, a subsidiary of Viyline Group of Companies, has been turning learning into…

1 day ago

Cong Clothing Rebrands as ‘Team Pymn’, Drops New Shirt and Cap Collection This January

Team Payaman fans are in for a treat with fresh merch dropping this January from…

3 days ago

This website uses cookies.