Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding kasama ang kanyang dalawang anak na sina Mavi at Viela matapos manood ng Disney On Ice sa Mall of Asia Arena.

Sa kanyang Facebook post, makikita ang masayang karanasan ng magkapatid habang pinapanood ang live performances ng kanilang mga paboritong Disney characters.

Disney On Ice Experience

Sa ginanap na ‘Disney On Ice’ live performance noong Christmas season, kapansin-pansin ang pagkamangha ng bunsong anak ni Vien Iligan-Velasquez na si Alona Viela, habang tahimik namang nanonood ang panganay na si Von Maverick sa performances ng mga kilalang Disney characters.

Makikita sa Disney On Ice ang mga karakter mula sa musical film na ‘Frozen’ tulad nina Anna at Olaf. Nang si Elsa ang tumuntong sa entablado, paulit-ulit na ipinahayag ni Viela ang kanyang paghanga at sinubukan pang tumayo upang mapalapit sa karakter.

Nang lumabas ang karakter na si Moana, muling nagpahayag si Viela ng kagustuhang lumapit, ngunit ipinaliwanag muli ni Mommy Vien na hindi pinapayagan ang paglapit sa stage, dahilan upang malungkot siya at maiyak. Agad naman niyakap ni Vien ang anak upang mapatahan.

Bago matapos ang palabas, sabay nagpaalam sina Vien at Viela sa mga karakter kabilang sina Moana at Olaf, kahit mula sa kanilang upuan.

Sa biyahe pauwi, nagpatuloy ang kulitan ng magkapatid na kinaaliwan ng mga manonood. Nang tanungin tungkol sa kanilang paboritong bahagi ng palabas, walang tiyak na sagot si kuya Mavi, habang malinaw namang iginiit ni Viela na si Elsa ang kanyang paborito.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming manonood ang naaliw sa kasabikan ni Viela kay Elsa at sa kanyang natural na kakulitan.

Gerardine Jade: “Need na ni Vielaboo mag Disneyland para kay Elsa.”

Gelyn Diña Boa: “Funny mo talaga, Yochog!”

Charbie Alcaraz: “Abangan ko ‘yung Yochog goes to Disneyland!”

Angelica Sarte

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

1 day ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 days ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 days ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

2 days ago

This website uses cookies.