Tsuper Dad:Junnie Boy’s DIY Toy Cabinet Turns into a Heartfelt Parenting Lesson

Sa bagong episode ng “Tsuper Dad” series, ibinahagi ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a. Junnie Boy ang pangyayari sa kanilang bahay na nauwi sa mahalagang parenting lesson para sa kanyang mga anak na sina Mavi at Viela.

Sa nasabing vlog, ikinuwento ni Junnie na tulad ng maraming bata, may mga bagay na talagang pinapahalagahan si Mavi lalo na ang kanyang Minecraft toy collection.

Ayon sa kanya, maayos at mabuting bata si Mavi, ngunit may pagkakataon ding nagiging madamot ito pagdating sa kanyang mga paboritong laruan, lalo na kapag ginagalaw ng nakababatang kapatid na si Viela.

Dahil dito, naisip ni Junnie na gumawa ng sariling toy cabinet para kay Mavi upang may maayos na lagayan at display ang kanyang mga koleksyon.

DIY Project

Sa bagong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye, makikitang mismong si Junnie ang gumawa ng nasabing kabinet kahit aminado siyang wala siyang masyadong karanasan sa woodworking. 

Hindi man ito perpekto, labis pa ring natuwa si Mavi nang makita ang ginawa ng kanyang ama.

Masayang inayos ng bata ang kanyang Minecraft toys sa cabinet, tila proud sa bagong “bahay” ng kanyang koleksyon. Ngunit habang natapos ang proyekto, napagtanto ni Junnie na hindi pala sapat na itago lang ang mga laruan para maiwasan ang away ng magkapatid.

Naalala niya ang isang nabasa niyang halimbawa tungkol sa pag-train ng aso—kung ikukulong mo lang ito kapag may maling ginagawa, hindi nito matututunan kung ano ang tama. Dito niya napagtanto  na ganoon din sa pagpapalaki ng bata.

Lessons on Sharing and Respect

Sa halip na pigilan lang si Viela sa paghawak ng laruan ni Mavi, mas mahalagang turuan siya kung paano manghiram nang maayos.

Sa halip na pagalitan ang bunso, tinuruan ni Junnie si Viela ng ilang simpleng hakbang—magpaalam muna bago kumuha ng laruan, maglaro nang maayos, at ibalik ang laruan kung saan ito kinuha.

Habang ginagawa nila ito, unti-unting nakita ni Mavi na kayang alagaan ng kapatid niya ang kanyang mga laruan. 

Sa pagtatapos ng vlog, nag-iwan si Junnie ng mensahe para kina Mavi at Viela kapag sila ay lumaki na. Aniya, kung sakaling dumating ang panahon na mag-away sila tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay, sana ay balikan nila ang video na ito.

Isang simpleng paalala na noong sila ay mga bata pa, marunong silang maglaro, magpatawad, at magbahagi sa isa’t isa.

Para kay Junnie Boy, mas mahalaga pa rin ang samahan ng magkapatid kaysa sa anumang materyal na bagay.

Netizens’ Comments

@blanzajohnlarey: If Cong set the standards on how to be a good husband, Junnie sets the standard on how to be a good father.

@michaandrea94: As a panganay who has been taught to always give way for the younger siblings, thank you for parenting your kids well! For sure they will grow up respecting each other’s choices.

@jansanchez6237: I guess some of us grew up in a household na kapag di ka nagpahiram ng gamit sa kapatid mo ay madamot ka. Thank you for healing our inner child. Salamat at hindi lalaking magagalitin si Mavi dahil hindi maintindihan na paborito niya kasing laruan yan at ayaw niya masira, hindi madamot, sadyang nag-iingat lang. Thank you dahil maganda rin na ine-explain sa parehas na bata kung ano ang kailangan nilang gawin para mas magka-intindihan at magbigayan.

@bajetwaynemaro.1634: Grabe ang growth mo as a father, Junnie. Bilib na bilib ako sa’yo, andaming natutunan every episode ng TSUPER DAD!

@gyu9577: Matalinong bata talaga si Mavi, marunong makinig at umintindi. Ganon din si Viela, natural lang talaga sa age niya ang makihalubilo at kumalikot sa mga laruan ng kuya niya. Kaya props to Junnie and Vien for their parenting, especially for teaching them to ask for permission and respect others’ boundaries at an early age. Madadala nila ‘yan hanggang sa paglaki.

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Simplify Your Beauty Routine with Viyline Skincare’s Magic Sunflower Oil

If your skincare shelf is crowded with too many bottles, it is time to simplify.…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Joins RaLaiNa In A Fun ‘Palengke’ Vlog Collab

Walang hanggang katatawanan ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez, Rana Harake, Jelai Andres, at Sachzna Laparan…

2 days ago

Yiv Cortez Happily Shares Snippets From Recent Malaysia Trip

Buong galak na ibinahagi ng bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez na si Yiv Cortez ang…

3 days ago

Netizens Stunned by Vien Iligan-Velasquez and Aki Angulo-Macacua’s Newly Upgraded Makeup Skills

Pinahanga ng Team Payaman girls na sina Vien Iligan-Velasquez at Aki Angulo-Macacua ang kanilang mga…

4 days ago

Boss Keng Sells Motorcycle, Challenges Team Boss Madam for Commission Rights

Paalam na nga ba sa Team Payaman Motoclub? Ito ang katanungang iniwan ni Boss Keng…

5 days ago

Euleen Castro, a.k.a Yobab, Teams Up with Tita Krissy and Vien for a Hilarious Cook Wars Challenge

Isang masayang collaboration vlog ang masayang pinagsamahan ni Euleen Castro o mas kilala bilang Yobab…

5 days ago

This website uses cookies.