Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez, Ivy Cortez-Ragos, at Yiv Cortez.
Tunghayan ang mga nakakatuwang mga tagpo sa likod ng ‘Tres Marias’ date ng Cortez sisters.
Sa kanyang recently-uploaded reel, bumida ang mga kapatid ni Viy Cortez-Velasquez na sina Ate Ivy at Yiv.
Isinama ni Viy ang mga kapatid sa isang kilalang Texas-Mexican Restaurant upang makipagkwentuhan sa kanyang ate at kanilang bunso.
Bago tuluyang kumain, muling binalikan ng tatlo ang ilan sa mga hindi nila malilimutang karanasan noong mga bata pa sila.
Mula sa pag-aaway hanggang sa mga paboritong childhood memory, hindi naubos ang kwentuhang hatid ng Cortez sisters.
“Hala, baka umiyak na tayo n’yan? Kumakain tayo tas nagda-drama ka [Viy],” biro ng kanilang Ate Ivy.
“Akala ko date ‘to? Bat may nag-iiyakan?” biro naman ni Viviys.
Pagdating naman sa kanilang food trip, ang ribs, roasted chicken, at quesadilla ang ilan sa kanilang mga sinubukang kainin.
Isa rin sa mga aktibidad na kanilang ginawa ay ang pagbuo ng sariling burrito gamit ang manok, pita bread, salsa, at rice.
Samantala, marami ang natuwa at nag-iwan ng komento pagdating sa bonding ng magkakapatid na Ivy, Viy, at Yiv.
Kristine Lusterio Munoz: “Kudos sa Parents nyo Viy Cortez-Velasquez, Sobrang Pinag isipan yung pangalan nyong tatlo hahahahaha parang napredict na nila na tres marias ang magiging anak nila HAHAHAHAHAHAHAHAHA”
Eylin Madula: “Totoo yung starting palang ang Viyline, nandyan na si Ate Ivy. Yung pumupwesto palang sa gilid gilid ang Viyline, nandyan na si Ate Ivy kahit walang mall tour sila Cong. Nandyan si Ate Ivy to support Ate Viy.”
ジェイ アズエロ: “Laptrip tong magkakapatid, pare-parehas ang tawa!”
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…
Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…
This website uses cookies.